H01

143K 3.8K 429
                                    

H01

Napatingin si Hera sa wristwatch niya at napakagat ng mariin sa kanyang labi nang makitang meron lang siyang limang minuto para gawin ang kailangan niyang gawin. Kailangan niyang bilisan dahil kung hindi ay malalagot talaga siya. Pinagpapawisan na siya ng malamig pero kailangan niyang maging kalmado.

Huminga siya ng malalim at pinatunog ang kanyang mga daliri. Matapos gawin iyon ay seryosong itinutok niya ang kanyang mga mata sa monitor na nasa harapan niya at mabilis na tumipa sa keyboard. Makalipas ang ilang sandali ay tumambad sa kanya ang mga salitang, ‘Access Denied. Please Log In your Password.’

“Damn it!” She cursed at nasapo ang kanyang noo.

Bakit ba kung kailan kailangan niya ulit i-hack ang computer ng kanyang ama ay saka naman nito naisipang magpalit ng password? Kilala niya ang kanyang Daddy at halos lahat ng gadgets na meron ito o ano mang bagay na kinakailangan ng password ay iisa lang ang ginagamit nitong security code. Nakapagtatakang nagpalit ito ng password.

“Bakit ba kasi hindi na lang simpleng email ang ginagamit mo, Dad! Kainis!” Frustrated na muli niyang sabi sa sarili at napakamot sa kanyang ulo.

Naisip niya na kung simpleng yahoo mail or google mail lang sana ang ginagamit ng kanyang Daddy sa pagpapadala at pagtanggap ng mga email nito ay hindi na sana siya nahihirapan ngayon. Pero dahil ‘iba’ ang kanyang Daddy ay gumagamit ito ng isang specialized installed computer program kung saan doon lang bumabagsak ang lahat ng mails na natatanggap nito. Hindi mo magagawang makita o basahin ang mga email na dumarating kapag sa ibang computer mo iyon binuksan unless na lang kung kaya mong i-hack ang computer kung saan naka-install ang program.

“Hindi niya pwedeng makita iyon,” bulong niya sa kanyang sarili at kinagat-kagat ang pang-ibabang labi.

Napatingin siya muli sa kanyang wristwatch at nakita niyang meron na lang siyang tatlong minutong natitira at paniguradong tapos ng makipag-usap ang kanyang ama sa telepono at nakabalik na ito sa harapan ng computer nito. Kinagat niya ang kanyang daliri at mabilis na nag-isip.

“Anong pwede mong gawin, Hera?” Agitated na tanong niya sa sarili at pinaikot-ikot ang kanyang inuupuan.

Ilang beses na parang baliw na nagpaikot-ikot lang siya nang bigla siyang napatigil nang mahagip ng tingin niya ang kanyang bag na nakapatong sa ibabaw ng kama. Tinitigan niya iyon at ilang sandali pa’y isang ngisi ang unti-unting sumilay sa kanyang mga labi.

Parang biglang nagkaroon ng light bulb sa utak niya nang maisip kung paano maka-crack ang bagong password ng computer ng kanyang ama!

Mabilis siyang tumayo at lumapit sa kama para kunin ang kanyang bag. Nang makuha ay mabilis niya iyong binuksan at dali-daling kinuha sa loob niyon ang kanyang pinakamamahal na flash drive. Bumalik siyang muli sa study table at excited na isinaksak ang flash drive sa USB port ng system unit ng computer niya. Nang ma-read iyon ng kanyang computer ay mabilis niyang ni-run ang system file na naroon matapos mai-remote uli ang computer ng kanyang ama gamit ang IP Address niyon. Mabilis ang mga daliring nag-type siyang muli ng command sa keyboard at nilagyan ng kagagawa niya lang na ‘personalized virus’ ang computer ng kanyang Daddy upang mabilis na mapalabas ang bagong password niyon.

“Gotcha!” Napasuntok siya sa ere ng lumabas sa screen ang mga salitang ‘Probing Completed.’ Mabilis niyang ini-scroll pababa ang window at tiningnan ang bagong password.

“Hmmm…ano kaya ang bagong password ni Dad?” Muling bulong niya sa sarili at tiningnan sa monitor ang nakasulat na password.

“Password is—”

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang