H22

34.6K 1.1K 167
                                    

H22

“Please check this out first before we leave.” Ani Hera kay Red at iniabot niya ang kanyang laptop dito. Nasa loob na sila ng kotse at pabalik na ng Maynila ng maalala niya ang kanyang nadiskubre kagabi.

“What you see is the actual file my father hid in the memory card. Gumamit siya ng steganography para maitago ang file na iyan at hindi basta-basta makita ng kahit na sino.” Muli niyang sabi habang masusing tinitingnan ni Red ang nakadisplay sa monitor ng kanyang laptop. Nakita niyang tumaas ng bahagya ang isang sulok ng labi nito ng marinig ang kanyang sinabi.

“Your father perfectly hid the file well. Wala akong nakitang kahit anong distortions sa mga picture na ito kagabi kaya hindi ko naisip na maaaring gumamit siya ng steganography.” Ani’to at binalingan siya ng tingin, “O maaaring hindi ko lang napagtuunan ng pansin kasi masyado akong nag-enjoy kakatingin ng pictures mo.” Dugtong pa nito at unti-unting sumilay ang isang nakakalokong ngisi sa labi nito.

Naramdaman ni Hera na mabilis na nag-init ang kanyang pisngi sa tinuran na iyon ng katabi kaya naman sinapak niya ang braso nito at sinamaan ng tingin upang pagtakpan ang pamumula ng kanyang mukha. Tumawa lang ito sa kanya at tila ba hindi ito naapektuhan sa kanyang ginawa. Matapos noon ay bumalik na ulit sa pagkaseryoso ang mukha nito.

“Kidding aside, hindi ko talaga naisip iyon. Well, what do I expect from Director Enriquez? He’s really good at this.” Ani’to at ibinalik ang tingin sa laptop.

Matipid na ngumiti si Hera kay Red, “Yeah. He is. Kahit ako ay hindi ko din naisip agad na gumamit siya ng steganography. Normally kasi may makikita kang kahit kaunting distortion sa isang file na ginamit pang-cover ng hidden document whether it be a picture, video, word, etc. Pero ito, wala. Malinis ang pagkakagawa ni Dad,” Aniya at napailing.

Hindi naman talaga siya sigurado kagabi kung tama nga ang kanyang hinala na maaaring gumamit ng steganography ang kanyang ama. Katulad ng kanyang sinabi ay wala naman kasi talaga siyang nakitang kakaiba sa mga larawan na naka-save sa memory card. Kumbaga, trial and error lang talaga ang kanyang ginawa. Sinunod niya lang kung ano ang sinasabi ng kanyang instinct. It took her a couple of minutes bago niya nagawang hanapin kung alin sa mga pictures na naka-save sa memory card ang ginawang pang-cover sa hidden document. Hindi niya nga alam kung matatawa ba siya o maiinis dahil sa lahat ng picture na naka-save doon ay ‘yung nakakahiyang picture niya talaga na naliligo sa banyo na wala siyang saplot noong 4 years old siya ang ginawang pang-cover sa hidden document ng kanyang Daddy.

“But the problem here is, kahit napalabas ko na ang hidden file, it is still encrypted. It will take me some time before I can finally decrypt it. Hindi siya katulad ng ibang encryptions na madaling i-hack ang password at i-decrypt. Unless I have a supercomputer para mapabilis ang decrypting.” Muli niyang sabi at bumuntong hininga. Natuwa siya kagabi dahil nagawa niyang palabasin ang itinagong file ng kanyang ama pero n’ung sinubukan niya iyong i-decrypt ay hindi siya nagtagumpay. Ibang klaseng encryption kasi ang ginawa ng kanyang Daddy sa document at hindi iyon ganoon kadaling i-decrypt.

Nakita niyang mabilis na tumipa si Red ng command sa keyboard ng kanyang laptop. Hindi na siya nagulat sa ginawa nito dahil naikwento na nito sa kanya na isa itong member ng cyber police ng FBI. Maalam ito tungkol sa computers. Nalaman niya nga din na ito ang nag-hack ng wifi niya noon. Naaliw daw kasi ito sa pinangalan niya sa kanyang wifi kaya ni-hack nito iyon at pinalitan ng pangalan. Hindi na niya ito tinanong pa kung paano nito nagawa iyon dahil may ideya naman na siya kung paano.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now