H08

50.8K 1.8K 425
                                    

H08

“Do you know the new student, Hera?” Nag-angat ng tingin si Hera ng marinig niya ang tanong na iyon ni Artemis. Seryoso itong nakatingin sa kanya habang iniinom ang biniling softdrinks nito.

“No. Why?” Bored at walang ganang sagot niya at nakapangalumbabang ibinalik muli ang atensyon sa kinakain niyang carbonara. Pinaikot-ikot niya muna iyon ng makailang ulit gamit ang tinidor bago isinubo.

Nagpapasalamat si Hera at natigil na ang kanyang pagbahing at medyo nawala na ang kanyang sipon. Mabuti lang at mabilis na umepekto ang ininom niyang gamot kanina kasi kung hindi ay mawawalan lang siya ng ganang kumain dahil hindi naman niya iyon malalasahan ng mabuti.

“Bakit mo naman naitanong yan, Artemis?” Tanong ni Marianne sa kaibigan at isinubo ang huling bite ng pizza nito.

Nagkibit balikat si Artemis sa itinanong na iyon ni Marianne sa kanya bago nagsalita, “Nothing. Nakita ko kasi na ngumisi siya kay Hera kanina bago naupo sa assigned seat niya. Tapos napansin ko rin na panay ang tingin niya sa kaibigan natin. So I assumed na baka kilala siya ni Hera at hindi niya lang pinapansin.”

Napanguso si Hera sa narinig niyang sinabing iyon ni Artemis at may panggigigil inabot ang kanyang sandwich at kinagat iyon. Dahil sa bago nilang kaklase ay pakiramdam niya ay drained na siya at wala ng energy kahit na nakakapangalahati pa lang ang araw. Hindi niya kasi maintindihan kung anong problema ng bago nilang kaklase sa kanya at panay ang tingin at ngisi nito sa kanya sa tuwing napapatingin siya rito. Ayaw pa naman niya sa lahat ay iyong pinagmamasdan at tinititigan siya lalo ng mga taong hindi niya kilala at ka-close dahil sobrang naiilang siya. Gusto niya sana ito komprontahin kanina at tanungin kung ano problema nito sa kanya at bakit nito iyon ginagawa ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Ayaw niya kasing gumawa ng eskandalo at mamaya pa ay mapahiya pa siya kapag tinanggi nito na hindi naman talaga ito tumitingin sa kanya.

“Hindi ko siya kilala,” Inis na sabi niya at may panggigigil na muling kumagat ng malaki sa kinakain niyang sandwich. “Hindi ko nga alam kung anong problema ng Ethos na iyon sa akin eh. Sarap sundutin ng mata. Pasalamat siya at mapagpasensya akong tao, kundi! Naku lang talaga!” Tuloy-tuloy na sabi niya kahit na may laman ang kanyang bibig.

“Baka naman type ka?” Natatawang sabi sa kanya ni Marianne at inabutan siya ng tubig, “Inom ka muna. Baka mabilaukan ka pa sa pinaggagawa mo.”

Inabot ni Hera ang tubig na ibinigay ng kaibigan at ininom iyon ng isang lagukan lang. “Ewan ko sa’yo, Marianne.” Sabi niya matapos uminom at inismiran ito.

“Bakit? Mukha bang imposible? Maganda ka naman eh. Dami nga nagkakagusto sa’yo dito sa school kaso nga lang di makaporma sa’yo kasi nakakaintimidate daw ang kasungitan mo. Malay mo si Ethos na ang kauna-unahang lalaki na maglalakas ng loob na ligawan ka. At kung saka-sakali, kauna-unahan na maging boyfriend mo.” Nangingiting sagot ni Marianne sa kanya at tumingin kay Artemis. “Diba, Art? Mukhang bagay sila. Maganda’t gwapo. Hmmm…mukhang magagandang lahi ang lalabas kapag nagkataon,” Kinikilig na dugtong nito at humagikhik.

Aaminin ni Hera na kahit kailan ay hindi pa siya nagkaroon ng karelasyon. Hindi naman kasi iyon importante sa kanya. Ang mahalaga lang sa kanya ay mapaghusay ang talento niya sa paggamit ng computer. Ni hindi nga sumasagi sa isipan niya na magkaroon ng boyfriend dahil ang palaging laman ng utak niya ay tungkol sa mga computer.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Kde žijí příběhy. Začni objevovat