H14

42.2K 1.4K 185
                                    

H14

TYRESE Red Mendel, 23 years old, FBI police at isa sa malalapit na kaibigan ni Director Enriquez. Umuwi lang siya dito sa Pilipinas para pagbigyan ang pakiusap ng direktor sa kanya na bantayan ang anak nitong si Hera.” Sabi ng isang lalaki na naka-all black three piece suit at abot ng dokumentong hawak sa lalaking prenteng nakaupo sa swivel chair ng opisina nito.

Pinasadahan ng tingin ng lalaking iyon ang inabot sa kanyang dokumento. Laman noon ay mga impormasyon ng taong pinaimbestigahan niya sa kanyang mga tauhan.

“So, he was the knight in shining armor, huh?” Nakangising sabi nito habang tinitingnan ang larawan na nandoon.

“Do you want us to immediately kill him, sir?” Seryosong tanong ng lalaking nag-abot ng dokumento.

Saglit na natahimik ang lalaking nakaupo sa swivel chair at maya-maya’y nag-angat ito ng tingin at ngumiti ng parang isang demonyo sa kaharap, “No…not yet. I have a better plan for him.”

---

(1 hour before Director Enriquez went home)

SIR, they are now moving. Just like what you said earlier on the phone, your daughter is in danger. May nagtangkang kumidnap sa anak niyo kanina habang pauwi ito galing eskwelahan.” Seryosong sabi ni Red kay Director Enriquez ng magkita sila sa isang medyo hindi matao at tagong kainan malapit sa tahanan nito. Matapos niyang maihatid si Hera kanina at masiguradong nakapasok na ito ng bahay ay tinawagan niya ang direktor at sinabi dito na maaari na sila nitong magkita.

Nakita niyang nagtagis ang bagang ng direktor sa sinabi niyang iyon at mariin na ikinuyom ang palad nito.

“Those assholes!” Nanggigigil na sabi nito at nag-aalalang tumingin sa kanya, “Is my daughter okay? Alam ba niyang muntik na siyang makidnap?”

Umiling siya sa tanong na iyon ng direktor at saka nagsalita, “I believe no, sir. Sa tingin ko, hindi naman nahalata ng anak niyo ang nangyari kanina.”

Lihim na napangiti si Red ng maalala niya si Hera .Ang nakakatuwang reaksyon ng mukha nito kanina habang mabilis siyang nagmamaneho, ang pagtatalak nito sa kanya dahil doon at ang mabilis na pagpula ng mukha nito ng sabihan niya itong ‘cute’…Napailing siya sa naisip. Naisip niyang hindi ito ang tamang oras para isipin ang dalaga. At mas lalong hindi din tama na isipin niya ito. Napabuntong hininga na lamang siya at muling tumingin sa direktor. Nakita niyang nagpakawala ito ng isang malakas na buntong hininga at matapos noon ay nanahimik. Naisip niyang marahil ay tulad niya ay iniisip din nito si Hera.

“Sir, can you tell me kung ano ba talaga ang meron at bakit ngayon ay ang anak niyo naman ang pinupuntirya ng organisasyong sinasabi niyo?” Nag-aalalang tanong ni Red matapos basagin ang ilang sandaling katahimikan na bumalot sa kanilang dalawa.

Muling bumuntong hininga ng marahas si Director Enriquez at matapos noon ay seryosong tumingin kay Red, “That…that organization…is a national threat, Red.”

Kumunot ang noo ni Red sa sinabing iyon ng direktor at nalilitong tiningnan ito, “What do you mean, sir?”

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon