H19

31.6K 1.2K 80
                                    

H19

“So you’re telling me sir that you’ve been stalking me for couple of months now?” Hindi makapaniwalang saad ni Hera kay Red ng abutan siya nito ng mainit na tsokolate at maupo ito sa katapat ng inuupan niya. Medyo kalmado na siya ngayon at kahit papaano ay nakapag-iisip na siya ng maayos. Matapos nilang makaalis ng bahay ay dinala siya ng propesor sa rest house nito sa Laguna. Masyadong naging mahaba ang biyahe nila at dahil doon ay nagawa niyang kalmahin ang sarili sa pag-iyak, makapag-isip at makapagpahinga na din kahit papaano.

“Stalk? Nice choice of word, Hera.” She heard him chuckled. Nahihiyang nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at napayuko sa sinabi nito.

‘Shit! Kakahiya ka, Hera! Oo nga naman? Bakit stalk? Ang daming word na pwedeng gamitin, stalk pa? Ano ka, artista para sundan?’ Kastigo niya sa kanyang sarili.

“Eh kasi sir, stalking din naman ang tawag doon, hindi ba? Sinusundan mo ako kahit saan ako magpunta. Bawat kilos ko alam mo. Eh ‘di stalking ‘yun.” She retorted at ininom ang tinimpla nitong tsokolate para sa kanya upang pagtakpan ang nararamdaman niyang kahihiyan.

Nakita niyang tumaas ang sulok ng labi nito at amused na tiningnan siya, “Yeah, yeah. I’ve been stalking you for a while now, Hera.” Ani’to at kumindat.

Muntik ng maibuga ni Hera ang iniinom niyang tsokolate sa ginawang iyon ng propesor. Mabuti na lang at napigilan niya ang kanyang sarili. Napaubo tuloy siya at feeling niya ay nagkandasabit-sabit sa lalamunan niya ang kanyang ininom.

“You’re blushing, young lady.” Wika nitong muli at sa pagkakataong iyon ay tumawa na ito ng malakas.

Alam niya iyon. Alam niyang namumula siya at naiinis siya sa kanyang sarili kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon niya.

‘Seriously, Hera. Nagawa mo pang mag-blush? Hindi ba dapat mas pagtuunan mo ng pansin ngayon ‘yung kinakaharap mong problema kesa kung ano-anong kalokohan ang ginagawa mo?’ She mentally slapped her head. Iningusan niya si Red at uminom na lang ulit ng mainit na tsokolate.

“Kidding aside, yes. I’ve been following you, Hera. Your father asked me to look after you that’s why I came back here in the Philippines,” Sabi nito at humigop ng kape.

Napatitig si Hera sa hawak niyang mug. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot ng maalala ang ama. Gusto na naman niyang umiyak ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Nagkaroon kasi siya ng resolusyon kanina habang nasa biyahe sila na mas magiging matapang na siya at hangga’t maaari ay hindi na siya iiyak. Kailangan niyang lakasan ang kanyang loob kung gusto niyang maresolba ang lahat ng problema na kanyang kinakaharap.

“But why, sir?” Tanong niya at nag-angat ng tingin dito, “Meron ba siyang naging kaaway at tinakot nito si Daddy na papatayin ako kaya siya nakiusap na bantayan mo ako?”

She saw Red heaved a deep sigh and looked at her again, “Actually, I really don’t know what the real reason behind, Hera. All I know is he wants me to protect you no matter what it takes. He once mentioned to me that there’s this certain organization that wants to take you but he wasn’t able to tell me why.”

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now