H23

32.7K 1.2K 88
                                    

H23

Nakabusangot ang mukha ni Hera ng bumaba siya ng sasakyan ni Red. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla na lang nag-iba ang timpla ng mood ng lalaki. Sa buong durasyon ng biyahe nila ay tahimik ito at kung hindi niya kakausapin ay hindi ito magsasalita. At ang kinaiinisan niya pa, sasagot nga ito ngunit napakatipid naman. ‘Yung tipong kapag kinausap niya ito at pwedeng sagutin ng oo at hindi ay tango at iling lang ang isasagot nito sa kanya. Sa inis niya ay hindi na siya nagtangkang kausapin pa ito hanggang makarating sila kung nasaan sila ngayon.

“Is this the place?” Narinig niyang tanong ni Detective Brylle kay Red ng umibis din ito sa sarili nitong sasakyan. Tumango si Red bilang sagot at matapos ay pumasok sa malaking gate ng junkyard. Sinundan nila ito ng Detective at nakita nilang may kinausap itong lalaki na medyo may katandaan na. Sa tingin ni Hera ay ito ang tagapamahala ng junkyard. Saglit na nag-usap ang mga ito at matapos noon ay nauna ng naglakad ang matandang lalaki.

“Let’s go. He will lead us where the Director’s car has been placed.” Ani Red at tinalikuran na sila. Napaingos na lang si Hera kay Red at parang batang nagmamarkulyong sinundan ito. Nakita niya sa kanyang peripherals ang nagtatakang tingin sa kanya ng detective pero nagkunwari siyang hindi niya iyon nakita at nagpatuloy sa paglalakad.

Habang naglalakad sila ay inilibot ni Hera ang kanyang paningin. Malaki ang lugar at puro mga luma at sirang sasakyan ang nasa paligid. Amoy na amoy niya din ang amoy ng kinakalawang na bakal.

‘Eh anong ineexpect mong makita dito, Hera? Junkyard nga ng mga sasakyan,hindi ba? Alangan namang makakita ka dito ng mall,’ Sarkastikong sabi niya sa sarili. Napailing siya sa kaintrimitidahan ng kanyang utak at nagpatuloy sa paglalakad. Ilang sandali pa ay huminto sila sa tapat ng isang kulay gray na trailblazer. Wasak na wasak ang unahang bahagi noon at basag ang mga salamin. Napasinghap siya sa nakita at biglang nakaramdam ng paninikip ng dibdib.

‘D-dad…’ Nanghihinang usal niya sa kanyang sarili habang tulalang nakatingin sa sasakyan. Ang sasakyan ng kanyang ama.

Seeing her father’s wrecked car makes her weak and body tremble. Parang nakikini-kinita niya kung paanong mabilis ang pag-andar noon at kung paano nabunggo sa ten wheeler truck. She can also imagine how her father instantly lost his life because of that. Kinagat niya ng mariin ang kanyang pang-ibabang labi upang pigilan ang sarili sa pag-iyak.

“Okay ka lang?” Naramdaman niyang hinawakan siya ni Detective Brylle sa kanang balikat kaya dahan-dahan na nilingon niya ito. Matipid siyang ngumiti at nanghihinang tumango dito bilang sagot. Nakita niya sa mga mata ng detective ang awa para sa kanya kaya naman mabilis siyang nag-iwas ng tingin at tumungo. Mas kinagat niya pa lalo ang kanyang labi upang pigilan ang namumuo ng luha sa kanyang mga mata.

“It’s okay to cry, Hera.” Sa pagkakataong iyon ay muli siyang napaangat ng tingin. Nagulat siyang makita si Red na nasa harapan na niya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at mataman siyang tiningnan, “If you want to cry, then cry. Don’t hold your tears. I know it’s painful to see where your father lost his life. Cry, Hera. It’s okay to cry, alright?” He said and gave her a reassuring smile.

Gusto ni Hera na sundin ang sinabi ni Red. Gusto na niyang umiyak. Masakit sa kanyang makita kung saan namatay ang kanyang ama. Pakiramdam niya ay nanghihina siya at parang mayroong kung anong mabigat na dumadagan sa kanyang puso. Ngunit ayaw niya ng umiyak. Ayaw niyang muling maging mahina.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon