H45

14.6K 570 32
                                    

H45

ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Hera matapos lumabas ng silid ang doktor na tumingin sa kanya. Masakit pa rin ang kanyang katawan ngunit kaya naman niyang i-tolerate iyon. Kumpara sa mga sugat at galos na nakuha nila Red at Ethos dahil sa pagsagip sa kanya ay walang-wala ang mga nakuha niya.

“Kumain ka na muna.”

Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang pumasok si Artemis sa kwarto. Bahagya itong nakangiti sa kanya habang may bitbit na tray na naglalaman ng pagkain.

“Kumusta na sina Red at Ethos? Are they okay?” May pag-aalalang tanong niya.

Matapos nilang makaalis sa building na iyon kung saan siya itinago ng mga kalaban ay dumiretso sila sa bahay ni Ethos. Nagpumilit siyang dumiretso sila sa ospital para magamot ang mga ito ngunit sinabi ni Red na hindi makakabuti kung doon sila unang tutungo dahil malaki ang posibilidad na baka masundan lang sila roon.

Sa tulong ni Tita Lorraine, ina ni Ethos, ay nagawa nitong tumawag ng mga doktor at papuntahin ito sa bahay nito para magamot silang tatlo.

“They’re both fine now. Natanggal na ang balang bumaon sa balikat ni Red at nilagyan na rin ng cast ang kanang kamay niya. Natahi na rin ang mga sugat ni Ethos sa katawan kaya ang kailangan na lang nila ay magpahinga at magpagaling,” sagot nito at inilapag sa side table ang tray. Naupo ito sa gilid ng kama at hinawakan ang kanyang kamay. “Ikaw rin. You need to rest. I know you are both physically and emotionally exhausted dahil sa mga nangyari. Kailangan mong magpahinga para makabawi ng lakas.”

Napayuko siya sa sinabi nito at nakagat ng mariin ang labi. The memory of Marianne mockingly laughing at her flashed in her mind. Nagtubig muli ang kanyang mga mata at tumulo ang kanyang mga luha. She wanted to fool herself by believing what happened to her a while ago was only a dream. Pero alam niyang kahit anong pagpapaniwala niya sa kanyang sarili ay mananatili iyong katotohanan. Isang napakasakit na katotohanan.

Naramdaman niya ang pagyakap ni Artemis sa kanya kaya naman lalo siyang napaluha. Pakiramdam niya ay hinang-hina na siya at wala na siyang lakas para lumaban pa. Isa pa, kahit na malaki ang pagtitiwala niya sa kanyang ama na hindi nito magagawang gumawa ng masama ay tila ba may sundot sa kanyang konsensya na nagsasabing hindi siya nakakasigurado lalo na’t noon pa man ay hindi nagsasalita ang kanyang ama ng kahit ano tungkol sa trabaho nito.

“H-hindi k-ko alam kung k-kaya ko pa, Art…” She sobbed. “E-everything that’s happening is a fcking mess!”

“Everything will be fine, Hera. Kailangan mo lang maniwala roon,” tugon nito at umalis sa pagkakayakap sa kanya. Pinunasan nito ang kanyang mga luha at ngumiti sa kanya. “Malalagpasan mo rin ito. Have faith in Him. Isa pa, nandito kami para tulungan ka. You’re not alone in this battle. And we will not let you lose no matter what happens.”

Humikbi siya. “I-I k-know…Alam kong ginagawa niyo ang lahat para matulungan ako…p-pero hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat gawin, Art…Si Marianne…Ang kuya mo...They are involved here. And no matter how much I loathe what they have done, they are still part of our lives…”

Muling hinawakan ni Artemis ang kanyang mga kamay at malungkot ang mga matang tinitigan siya. “Though this truth is excruciatingly painful, we need them to pay for the consequences of what they have done.”

“I’m scared, Artemis…”

“We’ll get through this, Hera. Kailangan lang natin silang pigilan sa masama nilang plano.”

Nag-angat siya ng tingin at tumango siya rito. Pinalis niya ang kanyang mga luha at huminga ng malalim. Now’s not the time to become weak. Ngayon na unti-unti ng nabubuo ang jigsaw puzzle sa problemang kinakaharap niya ay kailangan niyang mas lalong maging matatag para tuluyang maresolba iyon. At katulad nga ng sinabi ng kaibigan, hindi siya nag-iisa. Naroon ito pati na rin sina Red, Brylle, Ethos at pati na rin si Tita Lorraine na handa siyang tulungan.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon