H51

15K 606 84
                                    

A/N: Kung lalagyan ko ng title ang chapter na 'to, then it will be "Calm before the Storm". Hahahaha! Enjoy people!

---

H51

HALOS malaglag ang panga ni Hera nang makarating sila ni Red sa rooftop. Hindi siya makapaniwala habang inililibot ang tingin doon. Pakiramdam niya ay pumasok siya sa ibang dimensyon dahil sa nakikita.

“A-ano 'to…” halos pabulong na usal niya.

The rooftop is decorated with different flowers and balloons. Ang nagbibigay liwanag doon ay ang mga mababang classic lamp post sa bawat sulok. Mayroon ding make-shift stage sa unahan na naaadornohan din ng iba’t ibang bulaklak at may canopy na tumatabing roon. Sa gitna ay mayroong malaking pabilog na mesa na may anim na upuan. Nababalutan iyon ng puti at kulay gold na mantel at may classic na flower vase sa gitna.

“Shall we?”

Namamanghang napalingon siya kay Red. He’s smiling brightly at her. And just the mere sight makes her heart beat erratically.

Inilagay niya ang kanyang kamay sa nakaangklang siko ni Red. Nanginginig ang kanyang katawan. Not because she’s terrified or what. The anticipation of what will happen next is what making her nervous.

“B-bakit may ganito, Red?” Namamanghang tanong niya.

“You don’t remember, do you?” Red chuckled as they walked in the center.

Mabilis siyang umiling. She’s really clueless of whatever is happening.
“Ano ba kasing meron?”

Nang makarating nila ang make-shift stage ay humarap sa kanya si Red. Nananatiling malapad ang ngiti nito habang may pagsuyo sa mga matang nakatingin sa kanya.

“Happy 18th birthday, Hera.” Inabot ni Red ang kanyang kamay at pinatakan iyon ng halik.

She gasped. Hindi niya naalalang ngayon pala ang kaarawan niya! Her mind is too occupied with many things that remembering her birthday is least of her concern.

Nag-init ang kanyang mga mata. She’s touched with Red’s gesture. Hindi niya akalain na alam nito ang kaarawan niya.

“T-thank you…” Nakangiting ngunit lumuluhang sabi niya.

Ayaw man niyang umiyak pero hindi niya mapigilan ang sarili. Nata-touch siya sa nangyayari.

Pinunasan ni Red ang kanyang mga luha. Kapagkuwa’y hinawakan siya nito sa balikat. Muli siya nitong pinaharap sa gawi ng pinto ng rooftop.

Doon, lumabas sina Artemis, Brylle, Ethos at Levi. They are all smiling brightly at her as they sing a happy birthday song for her.

Naiiyak na tumawa siya. Oh, how she loves to hug everyone tight for their efforts and celebrating her birthday!

“Happy birthday, Hera!” Ani Artemis na may hawak na cake. If she’s not mistaken, there’s eighteen lighted candles on top of the cake. “Dalaga ka na. Pwede ka nang mag-boyfriend!”

Tumawa siya sa biro nito. “Baliw ka, Art!”

“Make a wish, Hera,” nakangiting wika naman ni Ethos.

Tumango siya rito at matapos ay ipinikit ang mga mata.

Thank you Lord for giving me such a wonderful friends. If there’s one thing I want to have on my birthday, then, please make sure that everyone I love will live a happy life. I know whatever circumstances we’re in right now, You will not turn your back on us. You are our greatest protector. And nothing can beat you.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now