CHAPTER 34

29.7K 939 113
                                    

CHAPTER 34





NANG magtama ang aming mata ay hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha.




Nandoon rin sila kuya Faris ngunit hindi ito makatingin sa akin at tila hinihintay lamang kung sino ang unang magsasalita sa amin ni Luther.





para akong naestatwa sa kinatatayuan ko, gusto kong magsalita at ipaliwanag sa kanya ang lahat ngunit sa tuwing tatangkain ng lalamunan ko magsalita ay tila may malaking bukol sa bumabara dito.




"What is this?" Mariin niyang tanong sa akin, he slowly walks towards me but as soon as he's  just few steps away, they dragged his arms to stop him. Si kuya Faris at kuya Klaus ang humawak sa kanyang braso upang pigilan siya. 




"I think you should calm down befor--" Hindi naituloy ni kuya Asmodeus ang sasabihan niya nang magsalita muli si Luther.



"Don't interfere with us, I want to talk to her alone." Mariing tugon ni Luther. Bakas sa mukha nila kuya Faris ang pag-alma.



"I don't think that's a good idea. We've already talked about this, Luther. You won't hurt her or even make decisions in your stat--" 



"Let's just give them space. They need to talk to clear things out." wika ni kuya Maximo pagkatapos ay sinang-ayunan naman ng iba. 



Naunang bitawan ni kuya Klaus ang braso ni Luther ngunit bakas pa rin sa mukha ni kuya Faris ang hindi niya pagsang-ayon sa sinabi ni kuya Maximo. 



Nakalabas na ang iba ngunit si kuya Faris ay hindi pa rin umaalis habang hinihintay siya ni kuya Klaus, "Man, let's go. They need to talk." Wika ni kuya Klaus. 



Hindi pa sana kikilos si kuya Faris ngunit hinaltak na siya ni kuya Klaus, ngunit bago pa sila tuluyang makalabas ay nagsalita muna si kuya Faris.



"Don't be an asshole." wika nito at tuluyan nang lumabas.



Namayani ang katahimikan sa mansyon, tinalikuran niya ako at naglakad patungo sa sala. Naupo siya doon at pagkatapos ay malakas na ibinagsak ang envelop sa center table. 



Halos mangatog ako sa kaba nang dahil sa ginawa niya. 



"I never would have thought that you can pull anything like this..." Aniya.



"L-Luther, let me explain. Mali ka ng inaakal--" 



"I didn't believe anyone who talked bad things about you, you know how much I trusted you, Drishti." Aniya, tila nag-unahang pumatak ang luha mula sa mata ko.

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon