CHAPTER 50

12.2K 359 16
                                    

CHAPTER 50



"DO YOU REMEMBER THIS PLACE?" Napatingin ako kay Luther nang marinig ang tanong niya.



"No, why?" Kunot noong sagot ko.



"This is the place where we first met." Aniya. Agad na rumehistro sa isip ko ang unang beses na pagkikita namin.



Lumingap ako sa paligid at nakitang tama nga dahil ditong-dito kami unang nagkita noong natapunan niya ng kape ang librong bagong bili ko lang.



"You spilled my coffee that day--" Agad ko siyang pinutol sa pagsasalita.



"Correction. you're the one who bumped into me. Binangga mo 'ko kaya natapunan ng kape mo yung librong pinag-ipunan ko nang three months." Paliwanag ko.



Tumawa siya at umiling, "No, you're walking like a stupid girl while hugging your book back the--"



"So mukha akong tanga para sa'yo?" Tanong ko.



Agad siyang natigilan, "What? No. I mean, yes but somehow you captured my eyes." Wika niya.



"Your long hair, your eyeglasses, your dark brown eyes, and the way your eyes sparkle as if you just won a jackpot. Back then, you did manage to get my interest." Nakatingin lamang ako sa kanya habang nagpapaliwanag siya.



Namumula ang kanyang tenga at tila hindi makatingin sa akin ng diretso sa mata. 



"I had the impression that angels were singing softly in my ears as I gazed upon you. Even the voices of other people are inaudible to me. It seems to be just you and I." He softly confessed.



"So, you definitely did fall for me first." Panunukso ko, sinamaan niya ako ng tingin pagkatapos ay nag-iwas muli dahil halos buong mukha niya na ngayon ang namumula.



"You are to blame because you stole my mind." Pagdedepensa niya.



"Tara na nga at marami pa tayong bibilhin." Naglakad kami papasok ng national bookstore.



Sinimulan namin sa mga kailangan ni Lucia sa school, simula sa mga notebook hanggang sa mga school supplies na kakailanganin namin sa bahay para hindi na kami nahihirapan maghagilap kung kinakailangan. 

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now