CHAPTER 1

86.4K 2.6K 278
                                    

CHAPTER 1




NAKANGITI ako habang pinagmamasdan ang mukha ng mga bata dito sa bahay ampunan na madalas kong bisitahin.




Malapit ang ampunan na 'to sa University, naaalala ko pa noong unang punta ko pa lang dito. Sumisilip lang ako sa gate habang pinapanood ang mga batang masayang naglalaro at naghahalakhakan.




Nang lapitan ako ni Sister Benilda, tinanong niya ako noon kung gusto kong pumasok upang makilala ang mga bata kaya agad akong sumang-ayon. Simula pa noon ay laging may parte sa puso ko ang mga bata, kahit gaano pa kakulit at kasutil ay mapagpasensya ako pagdating sa kanila.




Simula noon ay napalapit na ako sa mga bata sa ampunan, tuwing stressed ako sa pag-aaral ay dito ako nagpupunta para magpalipas ng hapon. Alam naman 'yon ng nga kaibigan ko kaya't kapag nawawala ako ay hindi na sila naghahanap sa kung saan-saan.




"Ate Ishay, maglalaro po ba ulit tayo?" Tanong ni Nina, pitong taong gulang pa lang ito.




"Oo naman, anong laro ba ang gusto niyo?" Tanong ko, ngingiti-ngiti ang mga lokong bata at nagkikilitian pa na parang mga bulateng inasinan.




"Ate, kelan ka ba magpapakilala ng boyfriend mo sa amin? Pati sila Sister Benilda ay naghihintay sa ipapakilala mo." Tanong ni Eman, pitong taong gulang din siya katulad ni Nina. Sinamaan ko siya ng tingin, "Kayo ah! Ambabata niyo pa, 'di pa nga kayo marunong magbasa ng English kung ano-ano agad 'yang iniisip niyo!" Saway ko.




Naghagikhikan ang mga siraulong mga bata, "Ate, 'wag na tayong maglaro. Kantahan mo na lang kami!" Suwestyon ni Dorothy.




"Oo nga po, ate Drishti.." Segunda pa ni June.




Bumuntong hininga ako, kinuha ko ang gitarang nasa gilid ko. Magsisimula na sana ako nang lumapit si Sister Trisha.




"Drishti, pwede bang ikaw muna ang bahala sa kanila? Dumating kase ang mga nagdo-donate dito sa kumbento kaya busy ang lahat." Pakiusap ni Sister, "Oo naman po, sister. Ako na pong bahala kila Nina." Sagot ko.




Hinawakan niya ang pisnge ko at hinalikan sa noo, "Hulog ka talaga ng langit. Mauna na 'ko." Paalam niya, pinanood ko ang papalayong bulto ni sister Trisha at tanaw ko pa ang ibang mga sister na mabilis na nagwawalis ng mga tuyong dahon sa hardin.




"Anong kanta ba ang gusto niyo?" Tanong ko.




Umakto ang mga ito na tila nag-iisip at si June ang unang nakasagot, "Ikaw na pong bahala, ate." Sagot nito. Ngumiti ako at pumusisyon.




Naka-uniporme ako ngayon dahil kakagaling ko lang sa unibersidad, tapos nakaupo ako sa isang batong bench dito sa hardin habang nakaupo sa may saping semento ang higit sa labing limang mga bata.




"Pagkatapos ay 'wag na 'wag kayong papasaway kila sister, ah. Kapag nagsumbong sila sa akin hindi ko na ulit kayo kakantahan." Banta ko, nanlabi ang mga ito at agad na nagsitanguan.




Nagsimula ako sa pag-strum sa bawat string ng gitara, nakita ko kung paano mamangha ang mga bata sa ginawa ko.




Sometimes I lay

Under the moon

And thank God I'm breathing..



Huminga ako ng malalim, pinakatitigan ko ang mga mata ng mga bata na sabik na sabik sa bawat pagbuka ng aking bibig.




PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon