CHAPTER 11

52.9K 1.9K 124
                                    

CHAPTER 11



"DRISH, talon tayo do'n." Pang-aaya ni Grace at itinuro ang mataas na cliff na tinatalunan nila Ejay kanina. Agad akong umiling.



"Gago, ang taas!" Inirapan niya at hindi nagpatinag. Hinaltak niya ako papunta doon at pagkatapos ay siya na ang naunang umakyat mula sa bato.



Umahon ako at ginaya ang ginawa niya, mabilis naming naakyat ang mataas na cliff. "Nads, bidyuhan mo kami!" Utos niya.



Nilingon ko ang kinalalagyang lamesa nila Nads na ngayon ay basang-basa na habang umiinom ng alak, ngunit hindi doon natuon ang atensyon ko kung hindi sa pares ng matang nakatingin sa akin mula sa malayo.



Kahit wala akong suot na salamin ay alam ko na kung sino 'yon, katabi nila ang lamesa nila Nads na kinikilig pa sa nakikita.



"Kaya pala ayaw nang magsiligo ng mga loka-loka, may namataang mga gwapo!" Wika ni Grace, sabay kaming tumawa.



Lumapit sa dalampasigan sila Joanna na may dalang cellphone na natutok sa amin, nagsisigawan ang mga ito na na parang chine-cheer pa kami.



"One, two, three!" Hinaltak ako Grace patalon.



Sabay na humampas ang ulo namin sa malamig na tubig ng dapat, pag-ahon namin ay tawa pa kami ng tawa hanggang sa makarating ng dalampasigan.



Sinalubong kami ni Nads na tawa rin ng tawa, "Mamaya na tayo maligo, uminom muna tayo!" Ayaw ni Sabel, nagtawanan kami hanggang sa makarating sa table kung nasaan sila kanina.



Naiilang ako at pilit na iniiwasang dumako ang mata sa katabi naming table, "Oh, magsi-kain muna kayo bago kayo magsi-inom!" Wika ni kuya Nate, nakahawak ang kamay niya sa bewang ni ate Pearl.



"Opo." Sabay-sabay naming sagot ngunit walang sumunod, sinimulan na nila Ejay ang pagpapaikot sa tagay at lahat ay napuno ng halakhakan.



"Oh by the way, heto nga pala ang mga business partners ng negosyo namin ng ate Pearl niyo." Sabay-sabay rin kaming lumingon sa ipinapakilala ni kuya Nathan.



Mariin akong pumikit at nilingon ang ipinakilala niya, isa-isa niyang ipinakilala ang mga 'yon. Tinignan ko sila Nads na ngayon ay halos mangisay na sa kilig dahil sa dmga lalaking nakikita niya.



"This is my sister Nadine, she's with her friends. This is Grace, Andrea, Karen, Marvin, Lorenz, Ervin, Jona, Ejay, Isabel, Joanna and Drishti." Nagtama ang mga mata namin ngunit agad rin akong nag-iwas ng tingin.

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora