CHAPTER 43

14.8K 456 33
                                    

CHAPTER 43




"KUYA TRIUS, hindi ka pa ba aalis? mag-iisang linggo ka nang nandito sa condo ni Ishay. Baka magalit na ang girlfriend mo niyan." Wika ni ate Cherrie nang madatnan niya si kuya Trius na nasa kusina at nagluluto ng pananghalian namin.



"May girlfriend ka na, kuya?" Tanong ko. 



"Cherrie, for the fifth time. She's not my girlfriend." Sagot ni kuya. Hindi naman ito pinansin ni ate Cherrie at tanging pagtawa lamang ang tugon.



"Nagkasalubong kami sa Merchel nung nakaraang linggo, kasama ko si Edwin tapos nakita ko siyang papasok ng bookstore. Nagulat nga ako kase hindi naman nahilig sa libro yang kuya mo tapos biglang pumasok sa bookstore, sinundan ko tapos ayun may dinalan palang pagkain sa loob." Tumawa pa si ate Cherrie na tila naalala ang nangyari sa pagkikita nila. 



"She's not my girlfriend, kaibigan ko lang 'yun." Depensa muli ni kuya kaya tumawa akong muli. 



"Sino yung babae, ate?" Pag-uusisa ko. 



"Hindi ko kilala, basta maikli ang buhok at maputi ang balat. Akala mo nga nanggaling sa sinaunang libro kung manamit, naka-dress na puff ang sleeve at hanggang lampas tuhod ang haba." Inisip ko kung saan ko nakita ang description ng babaeng nakita ni ate ngunit wala naman akong maalalang babaeng malapit sa buhay ni kuya Trius na maikli ang buhok. 



"Enough with her. Tapos na 'ko magluto, tutal nandito na si Cherrie, siya na muna ang magbabantay sa'yo hangga't wala ako." Bilin niya. 



Nagpaalam na rin kase si kuya dahil babalik na raw siya sa trabaho niya, bibisita na lang daw ulit siya kapag lumuwag na ang mga schedule niya sa construction company niya. 



"Oh siya sige't ako na ang bahala dito sa kapatid mo. Alam mo naman 'to hindi masuway." Wika ni ate Cherrie. 



Bago pa makaalis si kuya Trius ay sinundan ko siya hanggang pintuan, nang papalabas na siya ng unit ay agad ko siyang pinigilan.



"Kuya, kumusta na si Lucia?" Nag-aalalang tanong ko.



"She's in good hands, Drishti. You have nothing to worry about, sa ngayon, magpagaling ka at kapag handa ka na, you'll meet her again." Wika ni kuya, hinalikan niya ang noo ko bago siya tuluyang lumabas ng unit.



LUMIPAS ang oras at namalayan ko na lang na gabi na pala. 

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now