CHAPTER 14

53.3K 1.9K 105
                                    

CHAPTER 14

I GRITTED my teeth, kapag naaalala ko ang ginawa ng hayop na Luther na 'yon sa akin noong naka-lusong ako sa dagat ay nanggigigil talaga ako.

Nakaputi akong dress habang pinagmamasdan si kuya Nathan at ate Pearl na nag-kiss sa harap ng pare. We're facing the sunset and the loud splash of water was raging through our ears.

Katabi ko si Lucia at Andrea, habang nasa likod namin sila Grace. Kumpleto kaming magkakaibigan, nasa likod namin ang pangalawa kong kuya, ang kuya Demetrius ko.

Kasama niya ang kanyang mga kaibigan na magaganda ang pangangatawan at ang ga-gwapo. Sa tantsa ko ay sa tingin ko'y sampu ang mga ito habang sa kabilang side naman ng mga upuan ay naka-upo sila Luther sa sampu rin.

Napansin ko ang matatalim na pukulan nila ng tingin ngunit ipinagsasawalang bahala ko na lamang ito, nagtama ang mata namin ni Luther.

He licked his lower lips and smirked, inirapan ko lamang siya at pagkatapos ay ibinalik ang paningin ko sa mag-asawa na masayang ipinagmamalaki ang isa't isa.

Nalaman kong si kuya Demetrius pala ang Engineer na nagtayo ng dream house nila kuya Nathan kaya naging malapit ang dalawa tapos ay naging ka-sosyo ni ate Pearl sa negosyo ang kaibigan ni kuya Demetrius kaya imbitado rin ang mga ito.

Sila kuya Faris naman ay naging ka-sosyo ni kuya Nathan kaya naging malapit ang mga ito sa isa't-isa, napabuntong hininga ako.

Bakit ko ba sila prinopoblema?

Naramdaman ko ang paghaltak ni Lucia sa laylayan ng dress ko, "Mommy, gutom na ko." Aniya, ngumiti ako at marahang pinisil ang kanyang ilong.

"Konting tiis pa." Sagot ko, sumimangot siya.

Nang matapos ang ceremony sa kasal ay nanatili muna kami doon dahil may hinahanda raw na surpresa si kuya Nathan kay ate Pearl, todo suporta ang pamilya ni ate Pearl kay kuya Nathan.

"Hi!" Sabay kaming napalingon ni Lucia at Andrea sa nagsalita sa gilid ko.

There was a man standing next to me, he was smiling at me. Gwapo naman ito ngunit hindi ako naakit sa kanya. There was only one man who can make me shiver by just smiling at me.

"Hello?" Naiilang na bati ko pabalik.

He lend me his hand like he was asking for a hand shake, agad ko 'yong tinanggap. "I'm Nash, Nadine's cousin." Pakilala nito.

"Hoy, Nash! Layuan mo ang kaibigan ko!" Banta ni Nads habang katabi ang magulang niya.

Tumawa lamang sila Isabel at ibinalik ang tingin sa unahan kung nasaan ang bride na hindi mapakali. "I'm Drishti." Pakilala ko rin, binawi ko ang kamay ko nang maramdaman ang panginginig niya.

"Oh, hi there little girl!" Bati niya kay Lucia na ngayon ay masama ang tingin sa kanya. Pinisil ko ang kanyang kamay at pinandilatan. "Hi, I'm Lucia. She's my mommy." Sagot niya at humalukipkip.

Ngumiti ako ng awkward kay Nash na ngayon ay naguguluhan, narinig ko ang ibang pinsan niya na babae at lalaki na kinakantsawan siya. "Ah, hindi. Pamangkin ko siya sa panganay na kuya ko." Sagot ko.

Agad na umaliwalas ang kanyang mukha, "Okay lang din naman kung anak mo siya, she's kinda pretty like you." Aniya.

Sabay kaming napalingon nang marinig ang malakas na pagtikhim ng kung sino, nang lumingon ako ay nakita ko ang nakataas na kilay ni kuya. Nakatingin pala ito sa amin gano'n din ang mga kaibigan niya, at nang lingunin ko ang pwesto ni Luther ay nakakuyom ang kanyang kamao habang madilim ang mukha.

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang