CHAPTER 5

60.2K 2.1K 850
                                    

CHAPTER 5





"BAKIT ako nandito?" Tanong ko nang makababa kami ng sasakyan, pinakatitigan ko ang malawak na hardin sa pagitan ng mansyon at pader. Samu't-saring bulaklak at iba't-ibang uri ng halaman ang nandoon.





"You see that, little miss?" Tanong ni Cassius sa akin pagkatapos ay itinuro ang itaas ng mataas na pader.





May makakapal na wire na nandoon, kumunot ang noo ko.  "May kuryente sa mahabang wire na 'yan, so don't try to escape, okay?" Aniya sabay kindat pa sa akin.





Anong ibig niyang sabihin?




Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa malaking front door, double doors 'yon at nababalutan ng itim na pintura.





Pinihit ni Luther ang doorknob at pagkatapos ay bumungad sa amin ang malaki at magandang spiral staircase. May chandelier sa itaas at kitang-kita ko ang second floor ng mansyon mula sa kinatatayuan ko.





Bawat parte nito ay sumisigaw ng karangyaan kaya hindi nakakapagtaka kung paanong gwardiyadong-gwardiyado ang buong paligid ng mansyon at kung oobserbahan ay lahat ng mga taga-bantay ay armado pa ng matataas na uri ng baril.





Nagtungo kami sa sala at unang naupo si kuya Cassius sa isang sofa, may tatlong mahahabang sofa na naka-U ang shape at sa magkabilang dulo no'n ay ang dalawang single sofa.





May babasaging center table na may aquarium ang loob, ang ganda at ang kukulay ng mga isda na nandoon.





"Take a sit." Wika ni kuya Cassius at iminwestro ang long sofa. Naupo ako doon ngunit hindi nawala ang tingin ko sa aquarium na nasa loob ng center table.





"You're 20, right?" Tanong ni Luther sa akin.





"Opo." Sagot ko, tumango-tango siya at pagkatapos ay tinignan si Cassius. "He's thirty so you better address him as your older brother." Aniya.





"Okay." Sagot ko, narinig ko ang pagtawa ni kuya Cassius, "You better call him kuya too, Drishti." Aniya sa gitna ng pagtawa.





Madilim ang mukhang tinignan siya ni Luther, "You're thirty-one, asshole. You're way older than me so she can call you kuya too, or better yet, you can call her uncle." Pang-aasar ni kuya Cassius, agad na dinukot ni Luther ang baril sa kanyang tagiliran at binaril ang paa ni kuya Cassius.






Mabuti na lamang at agad na nakaiwas ang lalaki na ngayon ay tatawa-tawa pa rin, "What was that?" Sabay kaming napalingon ni kuya Cassius sa hagdanan ng mansyon ngunit si Luther ay hindi nag-abalang lumingon.





"Come here, my man. You remember Drishti, right?" Tanong ni kuya Cassius sa lalaki. Nagkatinginan kami at umangat ang sulok ng kanyang labi, habang pababa ng hagdan ay pinasadahan niya ng kanyang daliri ang kanyang buhok na tila bagong ligo pa.





Bumaba siya at tumabi kay Luther sa isang mahabang sofa na katapat ko, "Oh, the innocent reader." Aniya, pinakatitigan ko ang kanyang mukha. Siya yung nagbigay sa akin ng paper bag na may lamang damit noon sa mall.





"You're right! The woman who was shot by Luther that evening." Ani kuya Cassius, lumapit ang tinawag niyang palaki at hinawakan ang palad ko.





Hinalikan niya ang likod ng palad ko at matamis na ngumiti, "I'm Faris, thirty-two years old." Pakilala niya sa kanyang sarili.





PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now