CHAPTER 2

68.6K 2.2K 312
                                    

CHAPTER 2





ILANG araw na ang nakalipas simula nang makita ko yung lalaki sa ampunan, umuwi agad ako at nagpaalam kay sister Belinda na marami pa akong aasikasuhin.





Naiilang kase ako sa presensya ng lalaki, parang kakaiba. Nakakatakot at parang hindi mapagkakatiwalaan kahit na ba binigyan nila ako ng libro at nag-donate para sa kumbento.





"Drish, ikaw na muna bahala sa kotse." Wika ni Nadine, kumunot ang noo ko.





"Gaga, gusto mo bang mamatay ng maaga? 'Di ako marunong mag-drive." Sagot ko, linggo ng madaling araw ngayon at galing kami sa club na pinagdalahan sa amin ni Karen.





"Ikaw lang ang walang tama sa atin, Drish. Mas delikado kapag isa sa amin ang nag-drive." Tinitigan ko ang lahat ng kaibigan namin na mga wala ng malay.





Lasing na lasing ang mga loko-loko at halos 'di na madilat ang mga mata. "Bahala ka." Sagot ko.





Binato niya sa akin ang susi ng van na ipinahiram sa amin ng kuya niya, "Ang sakit ng ulo ko." Daing ni Nads at naupo sa passenger seat.





Pumasok ako ng driver's seat at naupo doon, pinakatitigan ko pa ang mga kaibigan ko sa likod. Magkayakap si Grace at Marvin samantalang sila Lorenz, Ejay at Andrea sa likod ay walang malay.





Sa likod namin ay si Karen, Isabel, Jona at Ervin na wala ring malay. May isa pa kaming kaibigan ngunit busy kaya hindi nakakasama sa ganitong klaseng night out, running for latin honor kaya study first.





"Mag-ingat kang gaga ka." Paalala ni Nads. Bumuntong hininga ako ng tahimik at binuhay ang makina.





Dahan-dahan akong nagmaneho, marunong ako pero natataranta ako kapag liliko na. Mabuti na lamang at wala kaming kasabay na sasakyan dahil nga madaling araw na.





Madilim ang daan at tanging headlights lang ang nagbibigay babala sa akin na bagalan lang ang pagtakbo. Nilingon ko si Nads na ngayon ay tulog na.





Mahina akong kumakanta habang nagmamaneho, nang makampante akong ligtas na mas bilisan ang pagpapatakbo ay ginawa ko na. Sa apartment ang tuloy namin, heto yung pinag-iipunan namin noon pang magkakaibigan.





Nang liliko na ako ay may sumulpot na lalaking duguan, malakas ang paghampas ng katawan niya sa hood ng sasakyan kaya bulong lakas rin akong napapreno.





"Aray! 'Nak ng pucha naman, Drishti!" Sigaw ni Nads, nagising silang lahat at tinignan ako ng masama.





"Nakabunggo ako." Natataranta kong wika sa kanila.





"A-Ano?!" Sabay-sabay pa nilang tugon.





"H-Hindi ko n-nakita. B-Bigla na lang siyang sumulpot!" Paliwanag ko, agad silang nagbabaan ng sasakyan at sinipat ng tingin ang lalaking nasagasaan ko.





Bumaba ako at tinignan ang duguang lalaki, humihinga pa ito at halos nababalot na ng dugo ang kanyang katawan. May katandaan na ang lalaki base sa kanyang pangangatawan.





"Dalhin natin siya sa hospital!" Suwestyon ni Grace, napahawak ako sa noo at umikot ng paulit-ulit dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ngayon na lang ulit ako kinabahan ng ganito.





"H-Hindi na siya humihinga, Drish!" Sagot ni Nadine, Nursing ang kurso niya kaya't alam kong may alam siya sa gano'ng klase ng mga bagay.





PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now