CHAPTER 46

15.8K 527 46
                                    

CHAPTER 46



For my love,

I can't find any suitable words to describe how you changed my life. From the moment I laid my eyes on you, I know it is my end. I was a man without fears and weakness, people even say that I am ruthless, ambitious and merciless person that only thinks about money and myself. 

They we're right. I can't change that, I was made to be like that. But from the moment I saw you walking while hugging a book, I became someone I never expected to be. I feared that someday, you'll realize that the people around you was right. That you deserve someone better. You do, I don't believe in God before but He knows how much I prayed that you'll meet someone better that you deserve in those years that you were away from me. 

I prayed, baby. I was afraid that you'll get hurt because I was unstable before, I was afraid that while your existence is healing me, it was ruining you. 

I wanted to show you how sorry I am, but I don't want to just show up in front of you without making myself the person that you deserve. You deserve someone better so please, love, wait for me to become better.  

I'm sorry and I love you. 



Lumandas ang mga patak ng luha sa mata ko, ni-hindi ko namalayan na isa-isa ko nang binabasa ang mga sulat na pinapadala niya para sa akin. Halo-halo ang mga ito at halos parang araw-araw niyang ginagawa sa bawat lumilipas na araw na nasa loob siya ng ospital. 



Lahat ay hand-written letters at namumukhaan ko pa ang penmanship niya. 



hating-hati na ang nararamdaman ko, may parte sa akin na gusto ko siyang patawarin ngunit mas malaki ang parte kung saan ayoko na ulit sumugal dahil takot na takot na akong maramdaman niya na sa tuwing ipagtatabuyan niya ako ay kampante siyang makukuha niya akong muli.



Nang makita kong madilim na ang labas ay nagpasya ako na itabi na muna ang box, mamaya ko na lamang ipagpapatuloy ang pagbabasa dahil baka mamaya ay hinahanap na ko nila Lucia at Therence.



Isa-isa kong tinignan ang mga kwarto ng dalawa kong anak at nakita kong wala sila doon kung kaya't dumiretso na ko sa baba, natagpuan ko sila sa sala na nanonood ng cartoons. Nasa lapag si Lucia habang naglalaro ng puzzle sa sahig samantalang hawak naman ni Liezel si Therence na natutulog.



Nang makita ako ni Lucia ay lumapit ito at humalik sa pisngi ko, "Ma'am, luto na po yung pagkain niyo, tsaka si ma'am Nads nga po pala, umalis na kaninang hapon, hindi na nakapagpaalam sa inyo kase akala niya po tulog ka." Wika ni manang.



"Sige po, manang salamat." Tugon ko. 



Kinuha ko si Therence kay Liezel at sakto namang nagising na ito. Kanina pa kase ito hindi nakakadede dahil ubos na raw ang na-pumped ko na gatas. 



Pagkatapos kong magpadede kay Therence ay ginawa ko na ang karaniwang ginagawa ko tuwing gabi. 



ILANG ARAW ANG NAKALIPAS ay napagpasyahan kong ipasyal ng simba sila Lucia at Therence, ang sabi naman nila tito ay pwede na raw basta't lagyan ng sumbrelo na pang baby ang ulo at gloves pati medyas.



Sabi naman ni tita ay mas okay nga raw iyon para maarawan si Therence katulad ng ginagawa nila noon kay Lucia. 



"Lucia, are you ready?" Tanong ko, malakas ang boses ko dahil kung mahina ay hindi maririnig hanggang loob ng kwarto niya.



"In a minute, mommy!" Rinig kong tugon niya. 



Gumaan na ang kanyang loob sa yaya niya, kung nung unang mga araw ay nahihiya pa ito at sa akin lang nagsasabi ng gusto niya, ngayon parang sila na ang pinaka-close. 



PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon