CHAPTER 30

49.7K 1.5K 123
                                    

CHAPTER 30


ALA-SAIS na nang gabi at kakarating lang namin ng Club, malakas ang musika na nanggagaling sa naglalakihang mga speaker sa loob at nakakasilaw ang mga ilaw na umiikot sa buong club.

Dumiretso kami sa isang sofa na paikot, may kalayuan ito sa dagat ng mga tao na nakatumpok sa isang parte ng club, "Joanna, ikaw na mag-order." Utos nila Nads sa kanya.

Agad siyang nag-taas ng kamay upang tumawag ng waiter, nang may lumapit ay nagsabi na sila ng kani-kanilang mga gustong inumin.

Old Fashioned lang ang inorder ko, pagkatapos ay nagsimula na kaming pag-usapan ang kung ano-anong mga bagay na nangyari sa mga pang-araw-araw namin. 

Hindi matigil ang kwentuhan at tawanan namin kahit pa maingay ang paligid, hindi ko rin ininda ang ingay na nagmumula sa mga taong nagkalat at nagkwe-kwentuhan rin at inenjoy na lang ang lahat. Na-miss ko na sila dahil matagal na kaming hindi nakakapagkita, at kahit sa maikling panahon na kasama ko sila ay nakalimutan ko ang dahilan kung bakit ako nandito.

"Ang ibig mong sabihin, nakita at nakilala na ni Lucia ang magaling niyang tatay at magkasama sila ngayon?" pag-uusisa ni Joanna pagkatapos kong magkwento. 

Tumango ako at pinahid ang luha sa aking pisnge, "Pero may nangyari kasing hindi maganda ngayon." Kanina pa nila tinatanong kung ano-anong kaganapan sa buhay ko pagkatapos kong malaman ang kanila. 

Bukal sa loob ko namang kwinento dahil pakiramdam ko, kapag hindi ko pa nalabas ang bigat sa dibdib ko ay baka hindi ko na kayanin. 

Pero may mga parte ng mga kaganapan sa buhay ko na hindi ko na kwinento sa kanila, katulad na lang ng nangyari noon sa kotse. Bukod sa sensitibo ay dapat ay kami lamang ang nakakaalam ng ganoong bagay. 

"Eh tanga-tanga ka naman pala e, miski ako sasama loob ang loob sa ginawa mo. Kung ako yon baka kinutusan pa kita." Ani Jona nang makwento ko ang rason kung bakit may alitan kami ni Luther ngayon. 

Kanina pa umiikot ang paningin ko dahil sa nainom ko ngunit alam ko sa sarili ko na nasa katinuan pa ako at kaya ko pa namang makatayo. 

"Kaya nga inintindi ko. Tiniis ko lahat kase alam kong kasalanan ko, binigyan ko siya ng oras para makapag-isip. Kaso masakit pala talaga, akala ko maiintindihan ko pero hindi e. Hindi ko siya maintindihan." Wika ko, ilang beses na akong humihikbi habang nagsasalita at kwinekwento sa kanila ang lahat ngunit kahit ganoon ay hindi ko pa rin mapigil ang luha ko na patuloy pa rin sa pagbuhos. 

Iiling-iling lang sila sa akin, alam ko namang naiintindihan nila ako bilang kaibigan pero hindi ko pwedeng kalimutan na talagang ako talaga ang may kasalanan. 

Kung tutuusin ay mas sexy pa nga ang mga suot nila Nads ngayon, kumbaga sa laro, easy pa lang ang sakin samantalang sa kanila ay pang-hard na.

Tumayo ako at nagpaalam na pupunta ng CR, naiinitan ako at gusto kong maghilamos. Sasamahan sana ako ni Nads ngunit may namukhaan siyang kakilala kaya't pinauna na ako upang makipag-kamustahan sa kakilala. 

"Hi, mis--"

"No, thank you." Mabilis kong sagot nang may nagtangkang lumapit sa akin na isang lalaki at biglang bumati. 

Nang makapasok sa CR ay agad akong naghilamos sa sink, binasa ko rin ang dalawang braso ko at saglit na pumikit upang mahimasmasan. Saglit akong tumambay doon upang kahit papapaano ay mabawasan ang pag-ikot ng paligid ko na bunga ng alak. 

Inilabas ko ang cellphone ko mula sa pouch at nagulat nang makita ang madaming missed calls at text messages na nakatambak sa notification box.

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now