CHAPTER 12

52.8K 1.8K 197
                                    

CHAPTER 12



NAKA-ILANG ikot na muli ang bote at sa pagkakataong 'yon ay sa akin naman tumapat ngunit kay kuya Cassius nakatapat ang kabilang dulo.



He smirked at me while raising his brows up and down, umirap ako. "Truth." Sagot ko.



Tumikhim si kuya Max na katabi niya at pagkatapos ay nagbulungan ang dalawa. Nakangising lumingon muli siya sa akin.



"Do you have a child?" Napahinto ako sa ginagawa kong paglalaro sa aking buhok at nilingon ito.



Buong tapang akong nakipag-titigan kay Luther kahit na nanginginig ang paa ko. 



"Yes." Seryoso ang mukhang sagot ko.



Naramdaman ko ang pagtigil ng lahat sa kani-kanilang ginagawa, lahat ng mata ay nakatuon sa akin. "You have a child?" Tanong ni Alisha.



"Yup." Sagot ko habang hindi pa rin pinuputol ang titigan naming dalawa ni Luther.



Nang mapansin kong puno na ng pagtatanong ang lahat ay tumawa ako, sinadya kong magtunog nakakaloko ang tawa kong 'yon.



"Just kidding!" Sagot ko. Ngumisi ako, "Lucia is just my niece, c'mon, guys! I don't have plans to have a baby at this age." Sagot ko, kumuha ako ng isang pirasong ubas na nasa basket at isinubo 'yon habang nakatuon ang mata ko kay Luther.



Madilim ang kanyang mukha at halatang hindi nagustuhan ang ginawa ko.



"Gago, alam ko namang 'di mo anak 'yon. Ang suplada ng bwisit na batang 'yon." Wika ni Grace sa gilid ko. Tumawa kami at tinignan ako ni Andrea na parang nagbabanta.



Bumuntong hininga ako, naramdaman kong puno na ang pantod ko kaya minabuti kong magpaalam muna.


 

"Grace, samahan mo 'ko. Naiihi ako." Bulong ko sa kanya, inirapan niya ako pagkatapos ay tumayo. "Sa'n punta niyo?" Tanong nila Ejay.



"Restroom." Ngumiti pa ako para hindi na sila magtanong pagkatapos naglakad na kami ni Grace palayo. Naramdaman ko ang biglang pagseryoso niya.


"Alam ko 'yang nasa isip mo, Ishay." Aniya sa nagbabantang boses.

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora