CHAPTER 26

47K 1.4K 247
                                    

CHAPTER 26





"TEACHER Mia!" Agad na napalingon si Mia nang tawagin ko siya.




Nakangiti niya akong sinalubong, "Drishti, kumusta? Balita ko nag-leave ka raw?" Bungad niya.



Sinabayan ko siya palabas ng Montesorri dahil pareho ang time ng out namin, nang nasa gate na kami ay sinalubong siya ng dalawang batang lalaki.



Sa tingin ko ay nasa eight or seven na ang batang lalaki at talagang napaka-gwapo, ang isa naman ay sa palagay ko'y ten years old. "Gavin, Sev, this is teacher Drishti. Say hello," utos ni Mia sa bata.


Nakangiti naman ako nitong binalingan, nag-squat ako upang magpantay kami ng mga bata, "Hi po, teacher!" Bati nila sa akin.



Marahan kong pinisil ang kanilang ilong at pisnge, "Mga anak mo?" Tanong ko.



Tumayo na ako ng maayos at hinarap si Mia na namumula ang pisnge, napangiti ako, "Anak ko si Gavin, si Sev, anak ng kaibigan ng asawa ko." Sagot niya.



"Mommy!" Napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag. Nakita ko si Lucia na nanakbo patungo sa akin kaya dali-dali ko itong sinalubong.



Hinalikan niya ako sa pisnge, agad siyang nagtago sa likod ko nang mapansin ang mga batang anak ni Mia, "This is Lucialiana Nicole, my daughter." Pakilala ko, agad namang namangha si Mia kaya't naapawang ang labi.



"Lucia, this is tita Mia. Magpakilala ka," utos ko.



Pasimpleng sumilip si Lucia mula sa likod ng binti ko, hindi man lang ngumiti ang bruha. "I'm Lucialiana Nicole, hello po." Nahihiyang bati niya.



Humalakhak naman si Mia at binalingan ako, "She's beautiful, kamukhang-kamukha mo. How old is she?" Tanong niya, ngumiti ako at hinawakan ang pisnge ni Lucia.



"She's turning three next month. By the way, let's have a drink? My treat," Pag-aaya ko. Agad namang sumang-ayon si Mia kahit alam kong nahihiya pa ito.




Kasama ko kase si Lucia ngayon sa school dahil ayaw magpa-iwan sa Head Quarters nila Luther. "Nabalitaan ko yung nangyari sa Montesorri nung naka-leave ako, lilipad ka na raw ng Spain?" Tanong ko habang nakahawak sa kamay ni Lucia.




Nahihiya pa rin kase siya at hindi man lang tinutugunan ang kanina pa pilit na kumakausap sa kanya na si Gavin at Sev, "Yup, kasama ko naman ang anak at asawa ko. Ayaw kase'ng mahiwalay," Namumula ang kanyang buong mukha at halatang inlove na inlove sa asawa.



"Amelia," Sabay-sabay kaming napalingon nila Mia sa tumawag sa kanya.



Agad na sinalubong ni Gavin ang matangkad at makisig na lalaki na nakatayo sa gilid ng isang magarang sasakyan. Agad naman itong niyakap ni Mia at hinalikan sa labi.



Nang mamukaan ko ang lalaki ay napanganga ako, "Ikaw po yung kaibigan ni kuya Demetrius, hindi ba?" Tanong ko.




Nilingon ako nito ngunit parang hindi ito nabigla at wala man lang kaemo-emosyon sa mata, "Magkakilala kayo?" Tanong ni Mia.



Sumagot ang lalaki, "She's Demetrius' little sister." Tipid na sagot nito bago hapitin sa bewang ang asawa.




Napahagikgik ako sa ginawa niya, naalala ko tuloy bigla si Luther. Bigla ko itong na-miss.




"Drish, pasensya ka ah. Nakalimutan kong may lakad kami ng asawa ko ngayon, sa susunod na lang. My treat." Paalam niya, nakangiti akong tumango at kumaway pa.



PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora