CHAPTER 44

14.7K 478 37
                                    

CHAPTER 44




LUMIPAS ang ilang buwan na magkasama na kami ni Lucia, alam na ito nila ate Chelsey at sa nagdaang panahon ng pagbubuntis ko, madalas ay bumibisita sila upang alamin ang kalagayan ko. 



Isang araw, habang nagwawalis sa sala ng unit ay bigla na lang sumakit ng todo ang tyan ko na tila inaapuyan sa sobrang hilab nito. Nung umpisa ay nakakaya ko pa ang sakit ngunit habang tumatagal ay tila hinahati ang katawan ko sa sobrang sakit. 



"Mommy, you peed! Tito, mommy peed!" Tili ni Lucia na tila nagpapanic nang makita akong hawak ang tiyan ko at hindi maipinta ang mukha. 



"Lucia, call your tita Chelsey. Sabihin mo papunta tayo ng ospital." Kalmadong wika ni kuya Trius matapos kunin ang naihanda nang maternity bag, pagkatapos ay binuhat niya ako palabas ng unit. Nakita kong isinara ni Lucia ang pintuan at pagkatapos ay sumunod sa amin.



Si Lucia ang nagpindot ng button sa elevator at nang bumukas ay sakto namang walang tao kaya mabilis kaming nakarating sa ground floor. 



Nang makita kami ng guard ay agad kaming pinahiram ng wheelchair kaya't madaling nakuha ni kuya Trius ang kanyang sasakyan, isinakay niya ako sa passenger seat, tumabi sa akin si Lucia habang nagmamaneho ang Uncle Trius niya. 



"Be a good boy, baby Therence..." Mahinang bulong ni Lucia sa tyan ko. 



Habang nasa byahe ay inutusan ni kuya Trius si Lucia na tawagan pa sila kuya Demetri at sila ate Cherrie upang ipaalam na papunta na kami ng ospital.



Nang makarating doon ay nakita na naming nag-iintay sila ate Chelsey sa lobby, nakasakay ako sa isang stretcher.



Kumpara sa panganganak ko noon ay mas doble ang sakit na nararamdaman ko, ganito ata talaga kapag sanggol na lalaki ang ipapanganak, mas masakit. 



"He doesn't know, alam mo namang bawal ang contacts sa asylum unless magpadala ng sulat." Rinig kong natatarantang wika ni kuya Cassius nang makarating. Tinanong kase siya ni kuya Faris kung alam na ni Luther ang nangyayari. 



In the last five months of my pregnancy, they did everything to hide it from me dahil ayaw ng mga ito na lumala ang kalagayan ko. 



It helped me, natutunan kong huwag dumipende sa ibang tao upang makahanap ng kasiyahan. 



I was learning to be contented with just me and Lucia, hindi kami nahirapan financially dahil sapat naman ang ipon ko noong nagtatrabaho ko noon sa Montessori. But kuya Trius never made me spend even a single dime. 

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now