WAKAS

16.6K 479 66
                                    

WAKAS




DALAWANG TAON na ang nakalipas simula nang bumalik na muli sa ayos ang lahat. 



Marami na ang nangyari, ilan na sa mga kaibigan ko ang kinasal at may kanya-kanyang pamilya na rin, ang iba nga ay sa kaibigan pa ni Luther nagpakasal. Para kaming pinaglaruan ng tadhana. 



Summer Vacation nang maisipan naming magbakasyon sa isang private cruise ship, kasama namin ang mga kaibigan at asawa ng mga kabigan ni Luther, inimbitahan ko rin ang mga kaibigan ko pero may kanya-kanya silang family vacation kasama ng sari-sarili nilang pamilya kung kaya't iilan lang kaming nakasama. 



Ang mga anak namin ay naiwan dahil mas makakapag-relax raw kami kung walang kasamang mga bata.



"Si Luther na lang ang hindi pa kasal sa kanilang magkakaibigan, kelan niyo ba balak?" Tanong ng asawa ni kuya Cassius, napunta sa akin ang atensyon ng lahat.



Pinalayas nila si Luther kanina sa kwarto dahil may mahalaga raw kaming pag-uusapan. 



"What purpose does waiting serve when you two have been stable for two years?" Tanong ng asawa ni kuya Faris habang umiinom ng kape, naka-bathrobe siya at kahit umagang-umaga ay pula ang lisptick niya.



"Hindi pa rin nagpo-propose." Simpleng sagot ko.



"Maybe he's waiting for you to be ready?" Wika namang asawa ni kuya Gabriel.



"Paano sila magkaka-idea kung hindi naman nila inoopen yung usapang kasal?" Wika naman ng asawa ni kuya Caspian.



"Ang tanong, ready ka bang magpakasal?" Tanong ni Joanna.



"I've been waiting for him to propose for two years straight." Sagot ko sa tanong niya. 



"Then what's the point? I-open mo na yung topic about sa kasal." Suwetyon ni Grace.



"Gaga ka ba? Edi nagmukhang desperada 'tong si Ishay." Sagot muli ni Joanna.



Naiistress ko silang pinanood na magtalo-talo. Kung sa totoo lang ay ilang beses ko na talagang plinanong balakin na i-open kay Luther ang tungkol sa kasal pero sa tuwing magkakaroon ako ng chance na kausapin siya ay para bang iniiwasan niya ang topic na yun.



LUMIPAS ang isang linggo na nasa cruise ship kami, nagpaalam na kami sa mga kaibigan namin at pagkatapos ay bumyahe na rin kami pauwi ng mansyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now