CHAPTER 7

54.9K 1.8K 703
                                    

CHAPTER 7








"PLEASE, kailangang-kailangan ko pong makaalis. Hindi po ako magnanakaw." Pakiusap ko sa gwardiya.







"Tatawagan muna namin ang may-ari ng mansyon na pinanggalingan mo, ma'am. Pasensya na po pero sumusunod lang kami sa rules." Tugon nito.







"Please kuya, ayaw ko pong manakit. Kapag hindi niyo pa ako pinalabas ay mapipilitan ako," banta ko ng may pagsusumamo.







Napahawak ang gwardiya sa kanyang sentido, "Pasensya na po talaga, ma'am."







Mariin akong pumikit, "Kuya! Kapag hindi mo 'ko pinalabas, mamamatay ako ng maaga! Papatayin nila ako kaya please, palabasin mo na 'ko!" Bulyaw ko, hindi siya natinag at hindi pa rin ako pinalabas.







Nakita kong nakatalikod ang iba pa niyang kasamahan kaya sinamantala ko 'yon. Binayagan ko siya at tinadyakan sa tyan, mabilis ang kilos kong tinakbo ang gate na nakabukas.







Nakalabas ako at nagtatakbo palayo, nakita kong hinabol ako ng ibang mga gwardiya ngunit mas mautak ako sa mga 'yon.







Agad akong nagtago sa loob ng malaking basurahan, na-chat ko si Grace kanina na sunduin ako sa presinto malapit sa University kaya kailangan kong matakasan ang mga 'to para makapunta ako agad sa presinto.







Nang wala na akong marinig na ingay sa labas ay agad akong lumabas, "Bwisit kayo." Mahinang bulong ko.







Agad akong nagtatakbo papuntang high way, pumara ako ng tricycle. Nang may huminto ay agad akong sumakay, "K-Kuya, please.. W-Wala na ho akong pera, k-kinidnap po ako ng mga masasamang tao kaya please dalhin niyo po ako sa presinto." Pakiusap ko.







Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mata, "S-Sige saang presinto ba?" Tanong niya.







Sinabi ko ang address kaya nakahinga ako ng maluwag nang makaandar ang tricyle.







Mabilis kaming nakarating sa sinabi kong address, agad kong namataan si Grace kasama si Andrea.







Pagkababa ko ng tricyle ay sinalubong nila ako ng yakap, binayaran ni Grace yung tricyle at pagkatapos ay niyakap rin ako ng mahigpit.







"Ano bang nangyari sa'yong bruha ka?!" Nag-aalalang tanong ni Grace, tinignan niya ang buong katawan ko.







Bumalatay ang pagtataka sa kanyang mata, "Sa lahat ng na-kidnap ikaw ang may magandang damit pagbalik." Aniya.







"Yung bumaril sa akin nung gabing galing tayo sa club, Grace! Sila yung kumidnap sa akin!" Sagot ko.







"Wala akong maalala noong gabi na 'yon, Ishay. Ang huling natatandaan ko lang ay nung nasa club pa tayo pero tara, pumunta tayo sa presinto." Wika niya.







Agad akong hinaltak ni Andrea papuntang presinto, "Kailangan nating isumbong sa pulis ang nangyari sa'yo, Ishay!" Aniya.







Nang makapasok kami sa loob ay sinalubong kami ng isang pulis, "Na-kidnap po ang kaibigan ko." Panimula ni Andrea, pinaupo kami ng pulis sa upuan na nasa tapat ng lamesa niya.







Hiningian niya ako ng salaysay kung ano ang mga nangyari, simula noong gabing unang nakita ko siya sa ibang pagkakataon.







PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now