CHAPTER 8

55.9K 1.8K 543
                                    

CHAPTER 8 | R18+






HE REMOVED his belt and tied my arms using it.







"If you dare take that away, tomorrow will be hell for you." Aniya pagkatapos ay umalis sa gilid ko







He left me alone in my room, ni-hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iisip ko sa maraming bagay.








Pagtingin ko sa balikat ko ay ganun na lang ang gulat ko nang makita ang dugo. Nasisiguro kong bumuka na naman ang sugat na naroon kaya grabe na naman ang pagdurugo.







Pinilit kong mabuksan ang butones ng aking polo kahit nakatali ang dalawang kamay ko. Dahil wala na akong lakas na tumayo at maghanap pa ng pantapal sa sugat ay ang comforter na nandoon na lamang ang ginamit ko.







Tinakpan ko ang sugat at pagkatapos ay pumikit upang makatulog ng mahimbing.







Wala pang ilang minuto ay bumigat na rin ang talukap ng mata ko kaya minabuti kong magpakain na lamang sa antok.







IMINULAT ko ang aking mata, nakahiga ako sa kama at inaalala ang nangyari kagabi.







Dumako ang paningin ko sa aking balikat na ngayon ay naka-bandage na. Wala na rin ang tali sa dalawa kong kamay at nakabihis na ako ng pantulog.







Tumayo ako, nagtataka ako nang makarinig ng tunog ng kedena pagkagalaw ko kaya agad kong tinanggal ang comforter na nakatakip sa katawan ko.







Gano'n na lang ang pagkagulat ko nang makitang naka-kadena ang isa kong binti, "Oh, you're awake." Napalingon ako sa pinto, nakatayo doon ang kambal.







"Please, tulungan niyo ako." Wika ko, hinanap ng mata ko yung bag ko ngunit nasa tabi 'yon ng flat screen.







Malakas kong hinaltak yung kadena ngunit matibay ang pagkakatali nito sa aking binti at sa paanang bed post ng kama, "I told you, you wouldn't like it when he's gone mad." Wika ni kuya Cassius at iwinagayway ang susi na sa tingin ko'y sa kadena.







Nanatiling nakaangat ang sulok ng kanyang labi na parang nang-aasar pa, akala ko mabait sila, pare-pareho rin pala ang mga ito.







"Behave, Drishti. Don't do stupid things again because you know that you can't escape." Seryoso ang mukha ni kuya Caspian habang nakatingin sa akin.







"Gusto ko lang namang makauwi." Wika ko, feeling ko ay mababaliw ako. Hindi ko alam kung ano yung papakinggan ko, kung maniniwala ba ako sa utak ko sa dami ng naiisip kong konklusyon.







"Look, Drishti. Just listen and obey him, he's dangerous, we all know that. But if you just put your fucking ass down, he won't harm you. If he did, I promised you.. Ako mismo ang mag-aalis sa'yo dito." Sagot ni kuya Cassius, tumungo ako.




"He fixed your wound last night. I know this might be a little hard to believe but I promise you, he's trying to control his self around you." They assured.







Narinig ko ang mga yabag nila paalis ng kwarto ngunit hindi nila sinara yung pinto. Bumuntong hininga ako at tumayo, pinilit kong abutin yung bag ko kung nasaan ang laptop ngunit hindi ko maabot.







PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя