CHAPTER 29

42.4K 1.4K 66
                                    

CHAPTER 29





NAPASINGHAP ako at nilakasan ang aking loob, nandito ako ngayon sa study room niya. Halos mag-i-isang linggo na niya akong hindi pinapansin pagkatapos ng nangyari sa parking.




Nakakainis pero wala akong magawa dahil alam kong kasalanan ko naman, may time pa nga na ako na ang nagbibigay motibo na gusto ko siyang sabayan maligo pero nganga.




Dinadaanan ako na parang hangin, iniintindi ko na lang kase sabi ko nga kanina, kasalanan ko naman.




"Luther," tawag ko sa kanya.




Kanina pa siyang busy sa mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang table, kung hindi kakausapin ang cellphone ay palatak naman ng palatak na parang pinaparinig talaga sa akin.




"Luther," tawag kong muli ngunit hindi pa rin ito lumilingon.




"What?" Tanong niya, agad akong nabuhayan ng loob at nagtungo sa visitor's chair. Nasa mga papel pa rin ang kanyang paningin ngunit hindi ako nawalan ng pag-asa.




"Aayain sana ki--" Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay mabilis niyang inangat ang kanyang kamay upang patigilin ako.




Sinagot niya ang tawag at pagalit na nagsalita.




"I am fucking busy! Yes, so stop fucking calling me again! One more time and I'll kill you, fucker!" Sigaw nito sa kausap sa telepono at padabog na ibinaba ang cellphone.




Pinagpatuloy niya ang pagbabasa ng papeles, "Sorry, what is it again?" Tanong niya ngunit wala sa akin ang paningin.




Bumuntong hininga ako, "Yayayain sana kita mamaya, dinner tayo. Nami-miss na kita, galit ka pa b--"




"I'm sorry, I'm busy. We'll talk in some other time, okay?" Saglit niya akong tinapunan ng tingin at inintay na sumagot.




Namamasa na naman ang mata ko ngunit hindi ko hinayaan makita niya 'yon, nagpilit ako ng ngiti, "Okay lang, take your time." Tumayo na ako at mabilis na lumabas ng study room niya.




Pumasok agad ako sa kwarto namin, siguro ay nasa sala si Lucia kasama sila kuya Cassius.




Tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag. Nakita ko ang pangalan ni Grace sa screen kaya agad ko 'tong sinagot.




Agad na bumungad sa akin ang matinis niyang tili kaya bahagya kong inilayo ang sa tenga ang cellphone ko.




"Ishay! May good news ako!" Sigaw niya sa kabilang linya.




"Hmm?" Walang gana kong sagot. Wala kase akong lakas na magsaya ngayon, nasasaktan ako sa ipinapakita at pinaparamdam ni Luther sa akin.




Gustong-gusto ko siyang intindihin, gustong-gusto kong sabihin sa kanya na deserved ko naman ang cold treatment niya. Kung ako ang nasa posisyon niya noong sinabihan ko siya ng masakit na mga salita ay talagang magagalit din ako.




Baka hindi lang cold treatment ang ibigay ko sa kanya.




"Anong 'hmm?' Good news 'to, pumunta ka mamaya dito sa apartment. Magce-celebrate tayong lahat sa club, libre ko." Aniya.




"Pass muna ak--"




"Walang pass-pass! Aba, ikakasal na ang prenny mo 'no!" Aniya kaya agad na nanlaki ang mata ko.




PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon