CHAPTER 49

10.7K 299 10
                                    

CHAPTER 49





HINDI ko namalayan ang bawat araw na dumaan.



Dumalas ang pag-alis namin buong pamilya kasama si Luther lalo na kapag weekdays, ni-hindi ko namalayan na unti-unti na namang bumubukas ang loob ko para sa kanya.



Sinubukan kong pigilan ngunit para akong isang marupok na kahoy sa tuwing ipinapakita ng mga kilos niya ang tuluyan niyang pagbabago, na mas maayos na tao na siya ngayon hindi tulad noon na tila walang direksyon ang buhay niya kundi puro gulo. 



Dumadalas na rin ang sleep over niya, basta't si Lucia ang humiling sa akin ay hindi ako makatanggi. Lalo pa ngayon na nakakagapang-gapang na si Therence, nakakatawa na rin ito at nakakakilala ng mga tao sa paligid niya. 



"Love, where should I put this?" Tanong ni Luther habang hawak ang isang basket ng manggang dilaw.



"Dyan sa ibabaw ng counter table." Tugon ko pagkatapos ay binalik ang tingin sa niluluto kong almusal.



"Ba't ang aga mo ngayon?" Tanong ko, kadalasan kase ay mga alas otso ang dating niya dito sa bahay upang bumisita bago pumasok sa kumpanya niya.



"It's Lucia's first day in school. I can't miss it." Aniya. Humilig siya sa corner ng counter table habang pinapanood ako.



"And it's your first day at work too." Dugtong niya. Nakwento ko kase sa kanya ang plano kong pagbalik sa daycare noon upang magturo ulit.



Naaalala ko pa ang naging pag-uusap namin noon tungkol sa plano ko.



"I'm planning to return to Montesorri." Pagbubukas ko ng usapan.



Saglit siyang natahimik pagkatapos ay tumingin sa akin na may tipid na ngiti sa labi, "You can do whatever you want, Drishti." Aniya.



Saglit akong natahimik bago rumehistro sa akin ang sinabi niya, "I have no rights in deciding what you wanted to become, Love. If you want to return to teaching, I'll help you with the kids. Or we can hire extra babysitters to take care of Lucia and Therence." Paliwanag niya.



"You're okay with that?" Tanong ko. 



"If it's okay with you, then it is fine with me. And besides, I can take them with me at work if you're working." Suwestyon niya.



NABALIK ako sa sarili ko nang mapaso ako sa mainit na kawali, hindi ko napansin na nailapit ko pala ang kamay ko sa kawali habang nagpiprito ng itlog. 



"Ouch," Mahinang wika ko.



Agad na lumapit si Luther at  tinignan ang daliri kong napaso, hindi ko napansin na may hawak siyang yelo, "Let me see." Aniya. 



Maingat niyang dinampian ng yelo ang maliit na paso, ilang minuto lamang ay himalang nawala na rin ang hapdi nito. 



"Let me cook," Wika niya pagkatapos ay kinuha sa akin ang sanse.



Hinayaan ko na lamang siya pagkatapos ay nagpunta sa cup board upang magtimpla ng kape. "Do you want coffee?" Tanong ko.



"Tea will do." Aniya. 



Tinimpla ko ang tea niya pagkatapos ay ipinatong sa dining table na nasa kusina, iba pa ito sa dining table na nasa Dining hall. Minsan ay dito kumakain ang mga clerk na nagtatrabaho sa mansyon at minsan naman kapag may okasyon ay kasabay namin sila sa Dining hall. 



PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon