CHAPTER 4

60.6K 2K 230
                                    

CHAPTER 4





"ANG SAKIT." Mariing wika ko, nang mahatid nila ako isang kanto mula sa apartment namin nila Grace. Nang makita ako nila Nads at Joanna ay agad nila akong sinalubong upang tanungin kung ano ang nangyari.






Nang i-kwento ko ay agad silang bumili ng dalawang bote ng alak at naghanda.





Nandito kami ngayon sa labas ng apartment habang nakapalibot sa isang malaking bilog na lamesa, si Nads ang nagpapaikot ng alak habang may hawak si Lorenz na gitara at sinasabayan sa pagkanta sila Grace, samantalang si Joanna ay walang kibo at busy sa kakatipa sa cellphone.





"Ang gago na 'yon! Kapag nakita ko talaga 'yon ay babasagin ko ang ano niya!" Gigil na gigil na banta ni Yang.





Pinahid ko ang luha na lumandas sa aking pisnge, "Oh, iinom mo na 'yan." Ani Nads sabay abot ng shot glass na may empi at isang stainless na basong may lamang tubig.





"Sinong umiiyak ngayon?" Pang-aasar nila Marvin habang tumatawa pa ang mga loko-loko.





"'Wag niyo na ngang asarin, nasasaktan na nga yung tao e." Suway ni Sabel. Lalong lumakas ang mga tawa nila kaya ininom ko na lang ang ibinigay ni Nads at pagkatapos ay dumukwang ako sa lamesa.





Tinakpan ko ang mukha ko at pumikit, wala akong maramdaman kung hindi kirot sa dibdib ko.





Ang gago talaga niya.





Halos magmamadaling-araw na kaya't minabuti kong tanggihan na ang bawat shot na inaabot sa akin, may test kami mamaya kaya kailangan kong makapagpahinga na.





"PAPASOK ka?" Tanong ni Karen nang makitang nakabihis ako ng uniporme, ala-sais na ng umaga kaya nagmamadali na 'ko.





"Oo, may test kami mamaya." Sagot ko, nilingon ko sila Ejay na nakahandusay sa carpet ng sala. Nagsisiksikan sila doon dahil lasing na lasing ang mga loko-loko.





"Magkape ka muna, gaga. Baka puro shot tsaka empi masagot mo sa test niyan." Aniya, sabay pa kaming tumawa. Mataas ang alcohol tolerance niya kaya 'di nakakapagtakang gising pa siya hanggang ngayon.





"'Di na, baka wala na kong masakyan." Sagot ko, hindi na siya umalma kaya lumabas na ako ng apartment. Sumakay ako ng tricycle papuntang Divisoria, tapos pagkarating ko doon ay sumakay naman ako ng city hall.





Kahit masakit ang ulo ko ay nagawa ko pa ring makarating ng eskwelahan at makinig sa paulit-ulit na discussion ng mga professor ko.





Nakakabaliw pero nagawa kong i-survive ang araw na 'yon, wala akong tulog at halos matumba ako kapag aksidente akong nabubunggo ng mga ka-eskwela.





"Great taste white, aling Myna." Wika ko nang makalabas ako ng University. Nandito ako sa tapat ng de-gulong niyang tindahan habang nakasandal sa poste.





Ilang minuto ang lumipas at inabot niya sa akin ang isang styro cup na may lamang kapeng mainit, "Fifteen pesos, ija." Aniya.





Naglabas ako ng sampu at inabot agad sa kanya, nanatili akong nakatitig sa mainit na kape. Iniisip ko kung totoo ba ang mga nangyari kahapon at paanong nagawa akong lokohin ni Jack.





Kitang-kita ng dalawang mata ko ang kapusukan niya at kung paano niya ako nagawang ipagpalit sa isang sexy at magandang babae. Ang tarantado na 'yon, akala ko mahal niya ako.





PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now