CHAPTER 42

22.5K 595 110
                                    

CHAPTER 42



NANG  maidilat ko ang aking mata ay nasa loob na ako ng isang puting kwarto na sigurado ako ay ospital.


Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko si ate Cherrie na inaayos ang mga prutas na nasa loob ng basket, nang makita niya na gising na ako at nagsalin siya ng tubig sa isang baso at inabot sa akin.


"Thank you." Wika ko.


"Sabi ng doktor, wala naman daw naging epekto sa baby mo. Normal lang daw ang flashbacks sa kondisyon mo basta ingatan mo lang daw na huwag matatamaan ang tyan mo." Paliwanag niya. Uminom ako ng kaunti pagkatapos ay tumango.


Sakto namang bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa sila Joanna kasama si Lorenz at Yang, may dala ang mga ito na prutas.


"Shuta buti gising ka na andami kong chika sa'yo, te." Bungad ni Yang.


"Kumusta siya, ate?" Tanong ni Joanna kay ate Cherrie.


"Okay naman na raw sabi ng doktor basta 'wag niyang masyadong i-push yung sarili niya. Nako pagsabihan niyo nga yang kaibigan niyo at napakatigas ng ulo." Sagot ni ate.


"Nako te, kulang kase sa untog 'yan e." Tugon ni Yang, tumawa siya ate Cherrie pagkatapos ay inabot kay Lorenz ang kutsilyo at mansanas upang balatan ito.


"Oh paano, iwan ko muna kayo. Tatawagan ko si kuya Demetri para ipaalam na nagising na siya." Paalam nito, ngumiti lamang sila Joanna at nang makalabas ito ay agad akong inambahan ng sampal ni Yang.


"Ang kulit rin ng lelang mo 'no? Sinabi nang 'wag na munang lumabas e. Alam mo mas maganda kung may kasama ka sa unit mo." Suwestyon niya.


Agad na natigilan si Yang at Joanna, miski si Lorenz na nagbabalat ay nagtaka sa dalawa. "Ah! Omg!" Nagulat ako nang biglang tumili si Yang.


"I'm so smart! Sasamahan kita sa unit mo hanggang sa manganak ka." Tila final na at desidido niyang wika. 


Agad akong tumanggi, "Ayoko nga, shuta ka sawang-sawa na 'ko sa mukha mo." Wika ko.


"Ay wala akong pake, be. Baka sampalin kita kelangan mo ng kasama. Baka mamaya mapaanak ka bigla o kaya mahimatay ka ulit tapos wala kang kasama." Paliwanag niya.


Agad akong napailing, kahit anong paliwanag ang gawin ko ay alam kong desidido na si Yang at wala nang makakapagpabago ng isip niya.


"Oh, kumain ka." Wika ni Lorenz sabay abot sa akin ng nakabalat na mansanas. 


Tinanggap ko 'yon at kumain, "Pupunta rin dapat sila Karen kaya ang sabi ko madi-discharge ka na rin naman kapag nagising ka kaya sa unit mo na lang sila bumisita kapag nakauwi ka na. Si Grace nasa Japan, kinamusta ka lang sa amin." Kwento ni Joanna. 


"Oy te, nako naalala mo pa ba si Hershey? Yung kapitbahay natin sa apartment dati, yung anak ni aling Murdie." Wika ni Yang pagkatapos umupo sa paanan ng higaan ko at dumampot ng mansanas na binalatan ni Lorenz.

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now