CHAPTER 41

16.3K 538 40
                                    


CHAPTER 41



"DRISH?" Lumingon ako nang marinig ang boses ni Juls. 


May dala itong isang eco bag na kulay asul kasama si Nash na may hawak namang tatlong eco bag. Sinalubong ko sila at akmang tutulong sa pagbaba ng mga binili nilang grocery nang pigilan ako ng dalawa. 


"Your doctor will kill me." Wika ni Nash.


"Makulit talaga 'yan kahit kailan e, isusumbong talaga kita kay papa para pabalikin ka sa bahay." Pagbabanta ni Julia. Agad kong inangat ang dalawang kamay ko at bahagyang lumayo sa dalawa. 


Nang makapasok sila sa unit na tinutuluyan ko ay diniretso nila ang mga pinamili nila sa kusina, "Ilalagay ko na sa ref yung mga madaling masira para hindi ka na mahirapan mamaya." Wika ni Juls. 


Dumiretso ako sa may counter table at naupo sa may stool, tinignan ko ang laman ng isang eco bag na dala ni Juls, "PInagluto ka nila mama ng lutong ulam, mga hindi madaling mapanis yan para ilalagay na lang sa ref tapos kapag kakainin mo na pwede mo lang i-microwave." Paliwanag niya.


Lumapit siya sa akin pagkatapos ay pinakita ang laman ng tatlong tupperware, ang isa ay Adobo, ang isa ay caldereta at ang isa naman ay chicken curry. 


Nakangiti akong tumango-tango, lumapit si Nash habang tinutusok ng straw ang butas ng isang chocolate milk. Pagkatapos niyang mabutas ay ibinigay niya sa akin.


"Inumin mo 'yan pagkatapos magpalit ka na ng damit. Ihahanda na namin yung pagkain mo para bago kami umalis nakakain ka na." Aniya.


"Kaya ko naman dito eh," Tugon ko pagkatapos sumimsim.


"Hindi pwede, sabi ni papa 'wag ka raw iwan hangga't hindi ka nakakakain ng hapunan. Bukas si ate Cherrie naman ang kasama mo dito." Wika ni Julia. Bumuntong hininga ako, ang napagkasunduan kase namin nila tito.


Pumayag sila na lumipat ako sa condo unit na binigay sa akin ni kuya Demetri ngunit kapalit ang pagpunta nila Juls, ate Cherrie at Nash araw-araw para siguraduhing nasa maayos akong kalagayan lalo na ang pinagbubuntis ko. 


Kapag mag-isa ako minsan ay pumapasok sa isip ko si Lucia. Gustong malaman ang kalagayan niya ngunit kapag naalala ko ang nangyari noon ay parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Hindi ko maisip kung paano nila nagawa sa akin ang bagay na 'yun.


Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kawalan at kanina pa ako tinatawag ni Julia, "Okay ka lang ba talaga dito? Sa palagay ko mas maganda kung doon ka muna sa bahay hanggang sa manganak k--" Agad kong pinutol ang sasabihin ni Julia.


"Juls, okay lang ako." Tugon ko.


Nagkatinginan si Julia at Nash nang mapagtantong hindi nila ako mapipilit na bumalik sa bahay nila tito, bumuntong hininga ang mga ito at pagkatapos ay pinagpatuloy ang ginagawa.


Tumayo na lamang ako at nagtungo sa sala na konektado sa kusina, naupo ako sa sofa at nag-scroll sa social media, madami akong mga dating kaklase na mga nagpapakasal na. Yung iba ay may mga anak na tapos ang isa naman ay puro successful na sa buhay.

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now