CHAPTER 33

28.1K 813 222
                                    

CHAPTER 33


KINABUKASAN ay sinabi ko kay Luther na huwag na akong sunduin, nagdahilan ako na makikipag-kita ako kila Joanna at agad naman siyang pumayag.




Pagkatapos ng klase ay agad akong nagtungo sa cafe malapit sa Montesorri, nag-ingat ako na huwag magpakita sa kahit sinong kakilala ko.




Ilang beses kong pinag-isipan kung tutuloy ba ako sa pagpunta at ilang beses ko ring naisip na huwag na lang ngunit mas nangibabaw ang kaba ko sa tuwing maaalala ang sinabi niya.




Pagpasok ko pa lang sa loob ay ang nakangiting si Jack agad ang bumungad sa akin. Gusto kong tanggalin ang ngisi sa labi niya, gusto ko siyang sampalin at saktan.




There was a brown envelop on the table and he was grinning like he has an evidence to use against me.




"What do you want, Jack?" Tanong ko nang makaupo sa upuan sa tapat niya. Wala akong sinayang sa sandali at agad na inalam ang pakay niya.




Agad niyang ibinigay sa akin ang envelop, "See it for yourself." Nakangising wika niya.



Agad kong binuksan ang envelop na dala niya, masusi kong tinignan at binasa ang nakalagay doon at hindi ako nagkamali sa hinala ko.




He found out everything.




"Anong kailangan mo?" Matapang kong tanong.




"You manipulated everything, actually I'm kind of impressed. Akala ko dati ay napaka-inusente at walang muwang ang nobya ko, but looking at this papers? My assumptions are wrong." Nakangising wika niya.




Ikinuyom ko ang aking kamao sa sobrang inis, "Wala kang alam sa buhay ko, don't talk as if you fucking know everything about m--"



"I know everything about you, Drishti. At nakakainis dahil hindi mo makita ang halaga ko ngayon, sa tingin mo ba ay hindi pa niya alam ngayon ang totoo?" Napatayo ako sa sinabi niya at malakas siyang sinampal sa pisnge. Nagtinginan ang mga tao na nasa loob ng cafe kaya upang hindi makalikha ng masyadong pansin ay naupo muli ako habang nagpipigil ng galit.




Akala ko ay magagalit siya ngunit mas lalo lamang lumapad ang ngisi sa labi niya.





"Kahit sampalin mo pa ako ngayon at saktan, wala ka nang magagawa. He has power to know the truth, he has people to find out everythin--"




Agad kong kinuha ang envelop at akmang aalis nang magsalita muli siya, "You are a manipulative bitch, Drishti. You don't deserve everything you have right now. You are crazy!" Impit na sigaw niya.




Tinapunan ko siya ng masamang tingin, "You don't know everything, Jack. I maybe a manipulative bitch but I know that it is the right thing to do, and someone like you doesn't have the rights to judge me." Sagot ko.




"Leave, hangga't kaya kong pagtakpan ang lahat ng ginawa mo, umalis ka na. Isama mo ang anak m--"




"Hindi ko gagawin 'y--"




"Sooner or later he will find out what you did! At sa tingin mo hindi ka niya kayang saktan? He will fucking kill you! Ikaw ang sumira ng pamilya niya! Ikaw ang nag-set up sa akin noon dahil alam mo noon pa lang na nagka-interest na si Luther sa'yo at tayo pang dalawa no--"




"Hindi 'yan totoo!" Mahina ngunit madiin na tugon ko.



"Oh really? Ipakita mo sa kanya ang laman ng envelop na 'yan at hayaan mo siyang patayin ka! He loved his mother, at kapag nalaman niyang ikaw ang pumatay sa nanay niya, hindi siya magdadalawang isip na saktan ka!" Agad na nanlaki ang mata ko.




PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon