CHAPTER 21

52.9K 1.7K 217
                                    

CHAPTER 21



"YES, yes, I'm fucking onto it.. I've been busy with something.. Yes, more important than you, Alesha.. Stop bothering me and get yourself a fucking man." Pagkatapos ay padabog na inilapag ni Luther sa lamesa ang kanyang cellphone.


Kanina pa ako nandito sa sofa ng study room niya rito sa head quarters nila, nakaupo siya sa swivel chair habang nasa tapat niya ang table na punong-puno ng tambak na papeles na sa tingin ko ay sa kumpanya niya.


Nakahawak siya sa kanyang sentido habang may pinipirmahan nang dumako ang kanyang tingin sa akin nang mapansing kanina pa ako nakatitig, "What?" Tanong niya.


Umiling ako at nag-iwas ng tingin, narinig ko ang pagtayo niya at marahang yabag papalapit sa akin.


Umupo siya sa tabi ko at marahas akong hinarap sa kanya, "C'mon, baby. Tell me what's bothering you?" Tanong niya at hinawakan pa ang baba ko upang iangat ang aking ulo.


Nagtama ang mata namin kaya agad akong umiling, "Please, Drishti. Tell me, I can't focus on my papers knowing that there's something bothering you." Aniya.


Bumuntong hininga ako at ginantihan ang titig niya sa akin, "I-I just want to ask s-something." Sagot ko.


Nakita ko ang pagdila niya sa pang-ibabang labi bago tumango at hinawakan ang kamay ko, "Go on, I'll answer it. Honestly."


"Pero wala akong karapatan." Tugon ko, agad na kumunot ang noo niya at sunod-sunod na mahinang napamura.


"If this is all about Alesha, I'm fine with that. As long as I can see your comfortable face, I'm fucking fine with that." Sagot niya, lumunok ako bago nagtanong.


"Ano mo ba siya? I m-mean, is s-she important to you? Anong mayroon kayo?" Tanong ko, narinig ko ang mahinang pagtawa niya.


"I'm right." Aniya habang tumatawa pa.


Agad na nagsalubong ang kilay ko sa inakto niya kaya agad siyang tumahimik at hinawakan ang kamay ko. "Walang namamagitan sa amin, just like Honey, she's nothing to me." Sagot niya at akmang hahalikan ang labi ko nang mabilis akong umiwas.


"I need a confirmation." Wika ko, nakita ko ang pagtataka sa kanyang mata.


"I need label." Direktang tugon ko.


Napaawang ang kanyang labi sa sinabi ko na parang hindi niya talaga expected ang sinabi, "What happened for the passed three years? Where's my innocent baby?" Tanong niya na hindi pa rin makapaniwala.


Napa-irap ako at marahan siyang hinampas sa braso.


Tumawa siya at hinuli ang dalawang kamay ko, "You tell me, ano ba tayo?" Pagbabalik tanong niya.


Nailang ako sa tingin niya kaya awkward akong sumagot, "Friends?" Inusenteng tanong ko.


"You've carried my child for nine months, should I call that with benefits?" Aniya kaya sabay kaming napatawa.


Tumigil siya at tinignan ako ng mariin, "You always look beautiful when you smile, I'd love to make you happy everyday." Malambing niya wika habang hinahalik-halikan pa ang kamay ko.


"Paano kapag ngumiti ako sa ibang lalaki?" Tanong ko, he rolled his eyes and looked at me intensely, "Fuck your smile, basta ako lang ang tatarayan mo. Sa akin lang iikot ang malikot mong mata at ako lang ang makakarinig ng walang katapusan mong 'I hate you'. I'm fucking fine with that." Paliwanag niya.


PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon