CHAPTER 25

47.6K 1.4K 62
                                    

CHAPTER 25

"MOMMY, where have you been?" Bungad ni Lucia nang makapasok kami ni Luther ng mansyon.

Nasa pintuan pa lang kami ay ang nakabusangot na mukha agad ni Lucia ang sumalubong, "And what's with your clothes?" Dugtong pa niya.

Pinasadahan din niya ng tingin si Luther mula ulo hanggang paa, "At bakit ka walang damit?" Naningkit ang mata ni Lucia habang nag-crossed arms na.

Paano ba naman kase ay ipinasuot na sa akin ni Luther ang polo niya, halos umabot yon sa gitna ng binti ko kaya hindi ko na kinailangan pang mag-short. Wala rin akong bra na suot at tanging underwear sa baba ang ang mayroon.

Si Luther naman ay tanging pantalon lang ang suot, hindi na rin niya inabala ang sariling ayusin ang buhok ay ang gwapo pa rin naman niyang tignan kahit magulo ang kanyang buhok.

"Mukhang magkakaroon ka na ng kapatid, Lucia." Panunudyo ni kuya Cassius sa kanya na agad naman niyang sinamaan ng tingin, naghalakhakan ang mga ito.

"Mommy, explain." Aniya.

Tumawa ako at nag-squat upang magkapantay kami, pinisil ko ang ilong niya at hinalikan sa noo. "I love you, baby." Wika ko.

Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako, "Mommy, gusto ko ng baby brother pero ayaw ko siyang maging daddy." Aniya sabay turo kay Luther na agad namang nagbanta ng pitik sa noo pero nagtago sa dibdib ko si Lucia.

Tumawa ako at binuhat siya, "Aakyat lang kami sa taas." Nakangiting paalam ko kay Luther pagkatapos ay dumiretso na sa hagdanan.

Nang makaayat ay pumasok ako sa kwarto ni Luther at ibinaba si Lucia sa kama, "Anak, can we talk?" Tanong ko.

Agad naman siyang nag-indian sit at tumango ng paulit-ulit, "Galit ka pa ba kay mommy?" Tanong ko.

Agad siyang nag-angat ng tingin ngumiti ng malapad, "Hindi na po." Tugon niya.

Umupo rin ako sa kama sa harap niya, niyakap niya ako at narinig ko pa ang paghikbi niya, "I'm sorry, mama.." aniya.

"Daddy told me everything, pinaliwanag niya sa akin ang lahat. Simula noong pinagbubuntis mo pa lang ako, kung paano kayo gumawa ng deal noon na itatago mo 'ko, he told me na hindi mo kasalanan 'yon at gusto mo lang akong protektahan." Wika niya habang patuloy pa rin ang paghikbi.

I'm really blessed to have a kid like her, sa edad niya na 'yan ay diretsong diretso na siya magsalita at talagang napakatalino. Marunong na rin siyang magbasa at kahit papaano ay may improvement sa pagsusulat.

"At first, I hated him. Sinabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya, he even let me punch him. I need an explanation kung bakit niya yon nagawa sa atin, but he didn't explain. Sinabi lang niya na kapag naayos na niya ang lahat, pwede na niyang i-explain ang gusto nating marinig and I trusted him." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin.

I cupped her small face and dried her wet cheeks, "I want you to be happy this time, Mommy. You sacrificed your happiness for me before, so let me do this for you. I love you, mommy, tunay kong mama." Wika niya.

Napanganga ako at nagsimulang manlabo ang paningin dahil sa luhang namumuo sa aking mata, "I love you too, baby. Thank you."  Tugon ko.

Nahiga si Lucia sa kama kaya tinabihan ko siya, niyakap ko ang maliit niyang katawan.

Ni-hindi namin binalingan ang bumukas na pinto at pagpasok ng kung sino doon, nakita ko lang siya noong magtungo siya sa walk-in closet at lumabas ng wala pa ring pang-itaas at may twalyang nakasampay sa kanyang balikat.

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon