CHAPTER 18

51.4K 1.7K 25
                                    

CHAPTER 18

ILANG araw ang lumipas matapos magalit sa akin si Lucia, ilang araw pa niya akong hindi kinausap sa pagtatampo kaya binigyan ko na lang ng panahon para makapag-isip.

Palabas ako ngayon ng eskwelahan dahil tapos na ang shift ko, nag-aabang ng taxi dahil gusto ko ng makapag-pahinga.

Para kaseng pinipiga ang utak ko sa tuwing iisipin na ako ang gagawa ng second quarterly exam ng mga second year high school students.

Habang nasa gutter ako ng kalsada ay may humintong isang van sa harap ko, agad akong umatras at naglakad pabalik ng school ngunit bago pa ako makapasok ng gate ay may humaltak sa akin.

Sa tantsa ko'y tatlong lalaki na malaki ang pangangatawan, naka-bonnet na itim ngunit ang mga mata'y namumula. Adik ba sila?

Ilang beses ako nag-pumiglas ngunit mas malakas ang mga ito sa akin kaya walang kahirap-hirap nila akong nadakip.

Nang makapasok ako sa loob ay nadatnan ko ang dalawa pang lalaking naka-bonnet. Hanggang sa loob ay nagpupumiglas ako, "Isa pang likot mo sisikmuraan kita!" Sigaw ng isa.

Hindi ako nagpatinag at malakas siyang sinapa sa tyan, namilipit siya sa sakit at napamura ng ilang beses. Nang makabawi ay agad siyang lumapit sa akin at sinikmuraan ako sa tyan.

Nanginig ako sa takot at nilukob ang buong pagkatao ko ng sakit, umiikot rin ang paningin ko dahil sa pagkahilo.

"Hello, boss! Opo hawak na namin yung babae. Sure ball na heto 'yon, sir. Opo, panigurado. Areglado, boss. Dalhin na lang namin sa Quarters." Rinig ko pang wika ng isa bago ako tuluyang bawiin ng ulirat.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"LUTHER, what the hell is your fucking plan? Alam mo bang muntikang bumagsak ang branch natin sa BGC dahil 'dyan sa kinaaadikan mo!" Bulyaw ng kanyang ama na buhat kagabi ay masama na ang timpla.

Humawak ang binata sa kanyang sentido nang marinig na naman ang sermon ng kanyang ama, "This is not your fucking problem, old man. Stay the hell away from my business." Sagot ng binata.

Umalingawngaw ang tawa ng kanyang ama sa apat na sulok ng kinalalagyang kwarto ngunit mababakas ang sarkastiko at pagkainis sa kanyang boses. "My son is inlove? I've told you before, Luther! Woman will be your downfall! Idadamay mo lang ang magiging babae mo sa kamiserablehan mo!" Sigaw ng lalaki.

Kinuyom ni Luther ang kanyang kamao at walang sabi-sabing pinutok ang kanina pa niya hawak na baril malapit sa paanan ng kanyang ama, agad itong natigilan. "Woman is not my downfall, old man. Bakit ko siya isasama sa pagbagsak ko kung pwede namang sabay kami sa paglago?" 'Di makapaniwalang napatingin sa matanda sa kanyang anak.

Buhat ng mamatay ang kanyang asawa ay hindi na niya muling nakita ang kanyang anak na gano'n katino, kung tutuusin ay matino na ito sa kanyang lagay.

Kapag kase wala ito sa sarili ay kung ano-anong kabaliwan ang ginagawa, dumadalo sa kung ano-anong pagpupulong na puro tino-torture ang pinalalabas. Sa mga taon na nakikita niyang lumalaki ang kanyang anak ay palala ng palala ang kalagayan nito.

Kung minsan ay nananakit ng walang dahilan, pumapatay ng walang pakundangan at ang mas malala ay wala itong pakealam sa kahit sino pa ang nakakabangga.

Tila naging blessing ang kakayahan ng kanyang anak sa pagpapalago ng negosyo kaya't kahit anong krimen ay nalulusutan nito.

Alam ng matanda na mas marami pang ginawang kasakiman ang anak ngunit wala naman itong magawa dahil alam niya ang kaya nitong gawin. Alam nitong kaya siyang patayin ng sarili niyang anak kung sakaling makialam siya sa mga plano nito.

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now