Epilouge

5.9K 117 20
                                    

Nikki's POV

"Mama! Si kuya Yoshua oh! Nangunglit nanaman!" Bugyot na bugyot ang mukha ni Chelsea habang nagsusubong sa amin ng daddy niya.

"Ano nanaman ginawa ko sa'yo?"

"Binabasa mo messenger ko!"

"Si Lance din kaya! Anong ako lang?"

"Bakit, may boyfriend ka na no? Sweet messages kaya ba tinatago mo samin yan?"

Iniling ko na lang ang ulo ko. Bahala silang tatlo magtalo diyan.

Ipinatong ni Ivan yung kamay niya sa hita ko. Hinawakan ko iyon at nagholding hands kami. Pinasiklop ko ang mga daliri namin. Nakita ko ang wedding ring naming dalawa. Kinilig ako.

"Si Daddy chansing kay mommy." Nilingon ko si Chelsea. Napakasungit ng batang to eh. Manang mana sa ama.

Natawa si Ivan. Tumingin siya sa akin saka ibinalik ang tingin sa daanan.

"Chelsea, may boyfriend ka na?" Lumingon pa si Ivan sa rear view mirror. Humarap ako sa kanila sa likod. Kita ko ang pamumula ng pisngi niya.

"Parehas na parehas kayo ng mommy mo. Namumula ang pisngi kapag kinikilig." Natawa ako kay Ivan.

"Wala daddy ah! Wala akong boyfriend."

"Pero manliligaw meron yan daddy. Sa school eh. Madami. Hindi ko alam kung anong nakakainlove sa kasungitan niya. Nakakabanas nga eh."

"Inggit ka lang kuya Lance kasi ikaw, totorpe-torpe. Walang lakas na manligaw. Tama ba? Ha ha ha." Sarcasric ang pagkakatawa ni Chelsea. Oo, hindi ko naman tinatangging mataray ang anak ko. Tulad ng sinabi ko kanina, mana yan sa tatay niya.

"H-hoy! Wala akong gusto ni kahit kanino ah! Tigiln mo ko Chelsea!"

"Shut up kuya. Ikaw naman kuya Yoshua, palibhasa kase, di nga torpe, basted naman. Pffft. Poor boys!"

"Aba sumosobra ka n-"

"Basted ka Yoshua?" Natawa ako sa tanong ni Ivan sa anak niya.

Aba, hindi yata namana ng mga anak ko ang kadiskarte ng mahal ko ha! Yoshua? Basted? Lance? Torpe? Hay nako.

"P-po daddy? Hindi ah! Ano po, wala pa po akong nagugustuhan."

"Chelsea, bawal pa boyfriend. Pag may nanliligaw sayo papuntahin mo sa bahay." Napatingin ako kay Ivan. Huh?

"Ano Daddy?!" Nabigla naman ako sa alma ng mga lalaki kong anak. Napakaprotective talaga nila sa bunso ng pamilya.

"Oo. Tapos maglilinis ako ng baril sa harap niya."

Nang makarating kami sa rest house namin sa Tagaytay ay sinalubong kaagad kami ng mga katulong ng bahay. Dala nila ang mga bagahe namin.

Ang mga anak namin ay agad pumunta sa kanya kanya nilang kwarto.

"Pagod ba mahal ko?" Yakap ko ang braso ni Ivan habang naglalakad kami papasok ng bahay ng sinabi nia iyon.

"Hindi naman."

"Mahal, worried ako." Napatingin ako kay Ivan.

"Bakit naman?" Tanong ko ng kunot noo.

"May nanliligaw na kay Chelsea eh." Natatawa ako sa sagot niya.

"Mahal, magcocollege na anak mo. 17 na naman siya. Maganda pa. Tsaka wag ka magalala. Mana yun sayo. Masunget." Natatawa kong sagot.

It's been seventeen years ago since my most unforgetable moment. At sa loob ng 17 years na yon ay nagkaroon na kami ng tatlong anak.

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now