Chapter 5 * Protector

5.7K 109 4
                                    

Nikki's POV


I can't take this anymore. Hiningi ni Manager M ang number ko! Oh my! Bakit kaya? Gagawin niya kaya akong artista? 

Okay. Enough of my imagination. Eh kasi naman eh. I can't believe it!

Andito kami ngayon ni Kim sa aming apartment. Kakauwi lang namin from part time. Namaos ako dun ah.

"Nikki, kaibigan mo naman si Lorilei diba?" tanong sakin ni Kim habang inaayos yung pagkaing pinauwi samin ng Manager ng bar. Dun lang kami nakakatikim ng masasarap na pagkain. Kasi naman mamahaling bar kaya masasarap ang pagkain.

"Oo. Bakit?" sabi ko habang ako, hinihimas himas ang album nilang pinirmahan ng Ginger Band. Pahirapan pang makuha ang pirma ni baby Ivan dito!

"Pwede kaya tayong dumalaw sa unit niya? Para naman makita ko ulit si Papa Ken ko!"

"Hindi pwede yun Kim. Busy naman yung mga yun atsaka wag nating abusuhin. Hindi porket pinsan ni Lei yung manager nila mangungulit na tayo dun. Hindi pa nga natin lubusang kilala si Lei eh. Pati naman tayo di pa rin nila lubusang kilala."

"Naman eh. Ang tagal na kasi since nung nakapunta tayo dun. Tapos, wala pang gig ang banda. Namimiss ko na sila! Sinisecret nanaman ang sched nila. Kaya sumusulpot na lang bigla kapag may guesting."

"Oo nga eh. Pag tinatanong ko naman si Lei about that, ang sagot lang sakin? Ewan. Di naman daw kasi siya mahilig sa Ginger Band kaya wala siyang pakialam sa guesting."

"Grabe naman yun! Ang hirap kasi ng mahirap eh. Walang connections."

"Hay... Sa school hindi din sila pumapasok eh. Mag two-two weeks na."

"Ha? Paano mo nalaman?"

"Eh kasi pag dumadating sila dun, magmagsisignal sa buong campus na dumating na ang kotse nila."

"Grabe naman pala yan. Tara na. Kumain na tayo."

Kumain na kami netong bruhang to. Kami nga lang pala ni Kim dito sa apartment na to. Actually room lang naman to na may cr tapos lababo. Tapos kama na. May maliit na mesa sa pinakagitna. Maliit lang. Hati na kami dito ni Kim. Ako sa renta at pagkain. Siya naman sa tubig at kuryente.

4,000 a month kasi ang renta dito. Tapos sagot ko rin pala ang mga sabon. Ganun.

Si Kim nakilala ko yan nung pumunta siya dito ng  1st year college. Galing probinsya yan eh. Iniwan niya dun ang nanay niya. Ang alam ko wala na siyang tatay eh. Naging kaibigan ko siya kasi naging kapit bahay ko talaga siya dito. Eh pinalayas kasi walang pang bayad ng renta. Isa pa ignorante sa Maynila dahil taga probinsya nga. Eh naawa ako. Pinatuloy ko na dito. Hanggang sa naging bestfriend ko. 

At the school...

"Ano ba naman yan. Ang boring ng klase." reklamo ni Lei. Haha. Eto talaga.

"Ayos naman ah?"

"Hay. Bakit ba kasi ang nerd mo masyado?"

"Oy grabe ka naman ah. Masipag lang talaga akong mag-aral."

Andito kami ngayon sa room. Nagdidiscuss kasi ang prof namin. Eh ahead na ko diyan dahil nabasa ko na yan sa libro. Kaya eto, nagtatake down notes ako. Si Lei? Ayun naka head down. Nakakapasa naman siya sa tests eh. Matalino rin kasi. Tamad nga lang.

Araw araw ako niyang inaayang mag shopping. Eh di naman ako maka-oo. Kasi nga kapag weekdays, hanggang 3 ang klase namin. Tapos pag 5 kailangan ko nang pumunta sa bar. Pag weekends naman, may trabaho pa rin ako sa bar. Kailangan ko kasi ng pera para sa panggastos ko araw araw.

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now