Chapter 48 * I love you

5.5K 69 14
                                    

Nikki's POV

I gave a loud and heavy sigh. Mamaya na ang farewell party. So it means, mamaya ko na rin malalaman kung aalis ba ko or not. Kaya namin to. Destiny. Yeah.

I'm preparing myself for the concert ngayong hapon. Magcoconcert kasi ang Ginger Band sa Boyce High. Yeah. Sila Brie, Jazz and Xin. Remember them? Excited na kong makita si Brie. She's such a sweetheart.

"Young lady are you ready?" tanong sakin nung maid.

"Opo. Okay na po ba to?" I asked the maid. Naka blue kasi akong dress. Sabi kasi ni Avy eto daw ang isuot ko. She can't come ngayon kasi may shooting siya pero sinabihan niya ko na ito daw ang isuot ko at mag make up daw ako. What for eh mamake up-an din naman dun.

"Opo young lady. Ang ganda niyo po!"

"Thank you po."

 Nung kinukuha ko na yung pouch ko, may isa pang maid na pumasok sa room ko.

"Young lady? You have a visitor downstairs. Susunduin daw po kayo." ah si Ivan yan. Shemay kinikilig ako! Pag baba ko, bigla akong napanganga. Ang gwapo niya lalo! Naka shirt then jeans lang siya na may coat. Ang gwapo talaga! Nakashades siya kaya siguro di nakilala ni ateng maid.

"You're so beautiful." aware akong namula ako dun. I smiled. Parang dati sinasabihan niya ko ng panget, wala nang igaanda, nerd and the such. Pero ngayon...aish! Di ko maiwasang kiligin.

"Syempre. Para bagay tayo mamaya sa stage." Aha! Akala niya siya lang babanat ah. Nakita ko na namula din pisngi niya. Wah! Kinilig ba siya? Inopen niya yung pasenger's seat at pinaupo na ko. Umikot siya at umupo na rin.

"Let's go?" tumango ako.

Di ko maiwasang malungkot. Kasi di ko alam kung papaano kaming dalawa nito. Paano pag umalis ako? Pag balik ko ba ako pa rin? Or may anak na siya. Paano ako? Hays. Ayokong isipin muna. I'll enjoy this day.

"Bakit ka nag dress na maikli?" nagulat ako nung nagsalita siya.

"Huh? Okay naman ah?" sabi ko.

"Okay na masisilipan ka nung mga lalaki mamaya? Tandaan mo all boys school yun." pinaalala niya sa akin na parang isang obvious observation ba. Aish. Nakakakinis. Napapout na lang ako.

Maya maya ay tinawagan na kami ni Ate Sophia. Siya daw muna ang mag oorganize samin kasi wala si Ate Mag. Kanya kanya nang punta dun sa concert venue. Magkakahiwalay kami. Magmemeet na lang kami sa loob.

"Woah! Daming tao Ivan!" tuwang tuwa kong sabi sa kanya. Alam mo yung batang parang first time sa disney world. Ganun ako ngayon. Nasa may parang secret hallway kami na may glass na bintana kaya kitang kita ko yung mga tao sa soccer field. Para bang may kaganapan dun. Wah ganito ba karami ang manonood samin?

"Eh kasi may event sa school nila." nung bumaba na kami. May sumalubong sa amin.

"Hi Jazz!" sabi ko. Eto yung president ng Boyce High.

"Hello po Ms. Nikki Han." nakangiting shake hands niya sakin. Napakaprofessional ng batang to kahit bata pa lang sila. Nakakatuwa.

"Ehem." biglang tinanggal ni Jazz yung kamay niya sa kamay ko at humarap kay Ivan.

"Welcome to Boyce High Mr. Lee. We are honored that you gave us the oppurtunity to watch you perform live here inside our campus." tumango si Ivan at nakipagshake hands kay Jazz. Woah. Kakaiba na talaga si Ivan. Di na siya ganun kailap sa mga tao.

"Thank Nikki, she's the one who made this concert possible."

"Thank you." at tumango ako kay Jazz.

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now