Chapter 3 * Voice

6.8K 133 7
                                    

Nikki's POV

Napatili rin ako nung marinig ko iyon. Oh diba? I can't believe it! Nasa iisang place lang kami ng baby ko.

Umalis na nga pala si Lei. May gagawin pa daw kasi siya. Oh my... May kaibigan na ko! Thank you po Lord! Sana po ang susunod na ibigay niyo sakin ay yung baby ko.

Andito ako ngayon sa may roof top ako ng MasCom building. Hideout place ko to. Parang napapabayaan na nga 'to eh. Ewan ko ba. Ginawang forbidden tong place na to. Wala akong alam sa storya. Basta ang sabi lang sa amin, di na daw to napupuntahan kasi.. .ewan.

Pero di naman pinagbabawal na puntahan 'to. May nakaharang lang na kahoy sa may pinto. Naalala ko tuloy yung unang pasok ko dito. Napakaalikabok! May shed naman din dito. Basta malawak to. Ang ginawa ko, nilinis ko to. Tapos nag dadala ako nun ng halaman dito every now and then. Parang inayos ko siya. Sayang naman kasi ang place.

Nakakatuwa nga eh. Para na siyang mini garden ngayon. Wala namang pakialam yung iba dito eh. Kaya nga napabayaan. Minsan pag tinatamad akong kumain sa cafeteria or kapag may baon ako, dito na lang ako kumakain. Pag gusto ko mag basa ng libro, dito din. Peaceful kasi ang place.

 Peaceful kasi ang place

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May dalawang wall to eh. Ewan ko kung ano yung nasa kabila. Actually nakatayong wall siya. Syempre may nakahiga ba?

Tapos walang bubong. Malamang roof top nga eh diba?

Divider lang itong wall na to na kasing tangkad ng tao. Ewan ko ba kung anong meron sa kabila. Di ko naman makita kasi masyadong mataas. Di ko abot. Di po ako maliit. Matangkad ka lang.

Sumandal muna ako dun sa wall. Ako lang naman dito eh. Yung mga estudyante nasa ibaba. Umupo na lang muna ako. Hay, ang sarap. Ang hangin. Tambay mode muna ako. Natapos ko na naman reviewhin lahat ng notes eh. Syempre ako pa ba? Masipag ata to! Tapos mamaya pa namang 5 yung part time ko sa bar.

Oy oy oy! Hindi po siya basta bastang bar. Di po ako GRO or dancer. Isang matinong bar siya. Pang mayayaman. Singer ako dun. Soloist ako. Pag kumakanta ako, nag gigitara din ako. Pero gitara lang yun sa bar. Wala akong sarili. Mahal kaya!

Dun ako kumukuha ng pangkain ko. 1K din per night ang nagiging kita ko dun. Sakto na para sa pang araw araw ko.

Kung tinatanong niyo kung ulila ba ko, hindi po. Wala na po akong nanay. Namatay daw nung ipinanganak ako. Yung tatay ko naman, ayun.

Nakatira ako sa isang apartment. Kasama ko dun si Kim.

Pumikit muna ako. Inalarm ko muna yung cellphone ko. Kung tatanungin niyo po kung anong brand ng cellphone ko, Nokia Asha po. Kakabili ko lang yan kay Manong dun sa kanto namin. Binenta niya ng 900. Binili ko na. Kailangan ko rin naman kasi. Nasira na kasi yung 3210 ko eh. Edi may pang selpi na ko kahit papaano.

Teka.. Narinig niyo yun?

Parang may tumutugtog ng gitara. Hala. Wala namang tao dito.

Pinakinggan kong mabuti. Ah sa kabilang wall siguro. Ang ganda naman ng tinutugtog niya. Kaya lang bakit sad song? Pinakinggan kong mabuti.

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now