Special Chapter

3.9K 65 7
                                    

HELLOOOOOO! NAMISS NIYO BA ANG FTF? HAHA. OH ETO ANG SPECIAL CHAPTER. THIS IS SPECIALLY DEDICATED TO MY BEBEST, NICOLE CRUZ. THANK YOU KASI KAHIT TAPOS NA ITONG STORY LOVE MO PA RIN. GRADUATION GIFT KO TO PARA SAYO. SORRY KUNG NATAGALAN. I LOVE YOU AND I AM SO PROUD OF YOU! ENJOY READING!

Nikki Han Lee's Point Of View~

"Whooooo! Grabe! Ang tagal natin bago ulit nakalabas!" tuwang tuwang sabi ni Aidan nung nakatungtong na kami sa eroplano.

"Mahal yung bag mo." sabi sakin ni Ivan. Inabot ko sa kanya iyon para ilagay sa taas ng mga upuan namin. Pag mamay ari nila itong eroplano na 'to. Private plane. Perks of having a circle of freinds that is rich.

Umupo na ko sa tabi ng bintana at nasa tabi ko si Ivan. Sa tapat ko ay si Avy at Ken. Sa kabilang side ay si Aidan, Kim, Ace at Lei ang magkatapat at tabi.

Napatingin ako sa wedding ring na nakasuot sakin. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. Pinasiklop niya yung kamay niya sakin. Ngumiti ako sa kanya.

"Ate, hindi kaya nagpapatayan yung mga bata doon?" Tanong sakin ni Avy kaya nagangat ako ng tingin.

"It's ok Eunice. Nandun naman si Bryan at Isaac. Hindi nila pababayaan ang mga bata." Si Kim na ang sumagot para sakin. Tumango ako.

"And besides, this is our vacation! Ienjoy natin 'to. At pagkatapos ng tatlong araw ay balik ina't ama nanaman tayo." Sabi ni Ace na nagpatawa sakin.

"Oo nga, nakakamiss din yung ganitong wala ka pang anak at malayo sa mga makukulit na bata." Natawa kaming lahat nung hinampas ni Kim si Aidan dahil sa sinabi nito.

"So ganun? Pinagsisisihan mong inanakan mo ko ha?! Siraulong 'to!"

"Hey wifey, nagbibiro lang ako-"

"Tigilan mo! Siguro namimiss mo rin yung mga panahong wala pa ko at free-ng free kang nambababae no!"

"Joke lang talaga yon wifey." Sinamaan na lang siya ng tingin ni Kim. Natawa naman ako.

"Mahal pasandal?" Tumango ako kay Ivan. Sumandal siya sa balikat ko at kinuha ko yung isang earphone na nasa tenga niya.

Narinig kong yun yung mga past recording songs ko. Yung pinaplay niya ngayon ay yung kinanta ko yung theme song ng isa sa mga koreanovelas na pinapalabas ngayon sa T.V.

"Di ka ba nagsasawa sa boses ko mahal?" tanong ko sa kanya. Hanggang music ba naman eh ako pa rin ang pakikinggan niya?

"Hinding hindi ako magsasawa sa boses mo. Araw araw ko iyon hinahanap hanap." hindi ko mapigilang hindi kiligin sa sinabi niya. Talaga yung mga kataga ng lalaking 'to ang nagpapahulog sakin araw araw. Para bang hindi na ko makakaahon pang muli sa sobrang lalim ng pagkakahulog ko para sa kanya. Tinignan ko na lang siya ng nakapikit. Napaka gwapo! Ang swerte ko talagang naging asawa ko siya't may mga anak akong siya ang ama.

"Nikki, matutunaw si Ivan niyan." Napaangat ako ng tingin kay Ken. Ngumisi ako.

"Gwapo eh."

"Gwapo rin ako." Binelatan ko siya at sumandal na lang din kay Ivan na ngayon ay tulog sa balikat ko. Galing pa kasi silang (Ginger Band guy members) sa isang photoshoot bago dito kaya pagod na pagod tong asawa ko.

"Nikki, naiinis pa rin ako kay Aidan." Nandito na kami ngayon sa isang rest house ng mga Park sa Baler, Aurora. Kitang kita ang view ng maalon na dagat dito.

"Nagbibiro lang iyon." Sabi ko habang hinihiwa itong strawberries.

"Oo nga naman Kim." Pag sang ayon ni Kim sa sinabi ko.

Gabi na kami nakarating dito sa Baler. Napag isipan naming mag inuman. Gumising na si Ivan at ngayon ay nakapulupot ang braso sa bewang ko.

"Bro, ano kaya kung hindi dumating si Kim sa buhay mo? Let's say, si Alexriette ang nakatuluyan mo pa rin. Paano yun?" Kita kong agad tumalim ang tingin ni Kim kay Aidan. Kakabati lang nila ngayon at mukhang trip talaga ng barkadang pag awayin sila. Sakyan ko kaya?

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now