Chapter 18 * The Casanova's Side

4.9K 74 4
                                    

Third Person's POV

(A/N: It's my first time to write in a third person's pov so please be patient. Haha! Sorry kung may pagkamakata. Haha! Thank you!)

Sa kabilang kwarto ay hindi rin makatulog si Aidan sa di malamang dahilan. Alam niya sa sarili niya na di siya lasing dahil kahit gaano pang beer or alcoholic drinks ang inumin niya, di na ito tumatalab sa kanya. Immune na ang system niya pagdating dito.

Pumikit siya saglit ngunit dumilat rin siyang muli. Hindi siya makatulog. Naiisip niya si Alexriette. Ang babaeng dahilan kung bakit siya nagkakaganito.

Dahil sa di siya makatulog, nagsuot siya ng board shorts at jacket. Nagdala rin siya ng cap. Balak niyang lumabas at pumunta sa park malapit sa condominium nila.

Paglabas niya ng kwarto niya ay nakita niya si Kim na umiinom ng tubig. Naalala niya ang nangyare kanina. Para sa kanya, one of the boys si Kim. Paano ba naman kasi, di marunong manamit ng pambabae. Lagi pang nakabackpack. Naiisip ni Aidan na kung tumulad lamang ito kay Nikki na marunong nang mag ayos ay gaganda rin ito.

Sa totoo lang, naaalala ni Aidan si Alexriette kay Kim. Hindi man nila ito kamukha, naaalala niya rito si Alexriette dahil sa kilos nito. Babae man ay boyish ang dating. Nagulat si Aidan na first time niyang nakitang nakashorts ang dalaga. Totoo naman dahil ngayon lang talaga ito nagshorts. Kahit na boyish si Kim ay di mapagkakaila ang sexyness nito dahil mayroon naman siyang sexy-ng beywang, flat stomach, bottle curved body at may hinaharap na babagay sa kanyang pangangatawan. Maganda rin talaga si Kim kung magaayos lamang. Ano pa bang aasahan eh bestfriends sila ni Nikki? Parehas na walang sense of fashion.

Naramdaman ni Kim na may tao na nakatingin sa kanya at napalingon siya rito. Inaninag niya ang mukha ng lalaki dahil madilim ang paligid. Natural dahil alas dos na ng madaling araw. Kahit silhouette lang nito ang nakikita ay kabisado na niya ang pangangatawan ni Aidan. Gulat man dahil sa nangyari kaninang silipan ay nakabawi rin siya. Inisip na lang niya na normal nang nakakakita ng ganun si Aidan kaya she thinks that Aidan won't mind it which is actually true. Aidan doesn't care about that. Masyado pa siyang heartbroken para intindihin ang mga bagay-bagay.

"Gising ka pa?" tanong ni Aidan na binara naman ni Kim.

"Tulog ako pare. Nagiisleep walking lang ako." sabay lapag niya ng basong wala nang lamang tubig sa lababo.

"Nagtatanong ng maayos eh. Geh." palakad na sana si Aidan patungong main door ngunit nagsalita naman si Kim.

"Aalis ka?" naisip niyang eto ang tamang pagkakataon para siya naman ang mambara.

"Pauwi pa lang ako Kim. Kita mong palabas pa lang ako eh."

"Ng ganito kalate? 3 o'clock na ng umaga ngayon ka pa lalabas?"

"Kim, sanay ako. Baka nakakalimutan mo banda kami. Model din. Natural na samin ang magising ng umaga. Sige na. Matulog ka na."

"Sandali. Saan ka pupunta? May taping ba ngayon?"

"Pupunta lang ako sa park."

"G-gusto mo bang samahan kita? Di rin kasi ako makatulog eh. Di ko kasi katabi yung stuffed toy ko." Hindi alam ni Kim kung bakit niya sinabi ang mga ito. Para bang kusang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig niya. Parang ramdan niya na malungkot si Aidan kaya niya ito nasabi.

"P-pwede ba?" nagkaroon ng ngiti sa labi ni Aidan. Sa unang pagkakataon ay magkakaroon siya ng kasama. Kaibigan.

---

Fangirl to FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon