Chapter 17 *Concern

5.2K 74 5
                                    

Ken's POV

Kanina sa university nakita namin sila crush at Kim. Naalala ko bigla, dun nga pala sa Pallinton University si Kim nagaaral. Kaya ayun, naisip naming isama na lang sila sa dinner. Birthday celebration ba ng nawawalang kapatid namin. Oo meron kaming younger sister. Isang taon lang naman ang tanda naming kambal kaya lang nawawala siya. Dahil nawawala ito, never nila itong pinangalanan. Kawawa nga sila eh. They weren't able to give that child a name.

Tuwang tuwa sila Mama at Papa sa dalawang yun. Iniisip siguro nila na ganun kasayang magkaroon ng babaeng anak. Mukhang ganun din naman sila crush. Sabi nga nila Mama pwede daw namin silang papuntahin sa bahay minsan.

At may secret ako! Sabi ni Mama at Papa bagay daw kami ni Nikki. Pormahan ko daw.

Nagtatawanan kami nila crush nang makita namin si Ivan na nasa labas ng pintuan ng unit namin. Nakapamulsa pa at may hawak na cigarette. Siraulo talaga to. Magkaka asthma siya niyan eh. Napatingin siya sa amin at tumingin sa relo niya. Nasa tapat na namin siya.

"Akala ko ba hanggang 8 lang? 11 na nasa labas pa kayo?" sermon niya pero particular siyang nakatingin kay crush.

"S-sorry, ano kasi eh." nauutal na sabi sa kanya ni crush.

"Save that explanation of yours. Tch."

"Bakit ka ba nandito? Concern ka no?" pangiinis ni Ace. Kitang kita mo naman na parang nagulat si Ivan. Napaiking na lang ako.

"H-hoy! Mukha mo! Sa nerd na to?! Concern? Manigas ka! Kahit abutin pa yan ng alas tres sa labas wala akong pakialam." kitang kita kong nasaktan si Nikki. I can saw it in her own eyes. Sa totoo lang kumikislap na ang mga mata niya na halatang nagbabadya nang tumulo ang luha na pinipigilan niya.

"Sinabi ko bang kay Nikki?" panghuhuli ni Ace. Napailing ako.

"Hoy teka nga, umayos ng ng pananalita mo kay Nikki ah!" inis na utas ni Kim. Napailing na lang ako at sumatsat na.

"Eh bakit ka nandito?" deretsa kong tanong.

"A-hhh Ano! S-si Aidan kasi may kasama nanamang babae sa sofa. Tch. Naaalibadbaran ako. Diyan na nga kayo." sabay patay niya ng sigarilyo niya't pasok sa loob.

"S-sige pasok na ko. S-salamat sa inyo." nauna na si Nikki sa loob ng unit nila.

"Gagong Ivan yun! Kahit artista siya pag ako napuno na ng tuluyan bibirabin ko pagmumukha nun! Wala ba siyang pakialam sa nararamdaman ni Nikki?!"

"Hey don't cuss Kim." suway ko.

"Nakikita ko madalas sinasadya niyang utus-utusan si Nikki kahit kaya naman niyang gawin. Di porket PA si Nikki ganun na gagawin niya! Ang PA taga ayos sa inyo tuwing may shoot kayo! Hindi katulong sa bahay! Kukunin lang ang remote, 'Hoy nerd bigay mo sakin remote.' 'Hoy nerd linisin mo yung mesa.' 'Hoy nerd naiwan ko yung tubig sa kusina kunin mo.' Nakakabanas na eh! Kulang na lang pati banyo niya ipalinis na niya kay Nikki eh! Nakakabanas na!" panggagalaiti ni Kim. Sinubukan niya pang sipain ang pinto.

Halos mangiyakngiyak na rin siya kaya niyakap na siya ni Ace. Wala namang problema yun sa kanila eh. Parang kapatid na turing naming tatlo nila Aidan sa kanilang dalawa. Pero lang ako. Kasi crush ko si Nikki.

"Tama naman si Kim. Sumosobra na nga talaga si Bossing." sabi ni Ace sakin.

"Sinabi niyo pa! Pag talaga ako di nakapagpigil papakalat ko sa iba bahay niyan!"

"Uy uy uy! Bahay din namin to!" natatawang sabi ni Ace.

"Sige na. Pumasok ka na rin."

Ivan's POV

Fangirl to FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon