Chapter 11 * Surprise

5.3K 102 5
                                    

Ivan's POV

"Ikaw?!" I was shocked with the fact na si restaurant girl ay nasa harap ko. Ano daw?! S-siya si N-Nerd?!

"Si Nikki girl na ba yan?" tanong ni Lei habang naghohop papunta samin. I just gave her the way. Prinoprocess pa ng utak ko ang mga bagay bagay. Ganun siya katindi. Fuck shit.  Parang nag hang yung utak ko.

"Nikki, pasok ka!" sabay hatak ni Lei sa kanya.

Still, I'm in the state of shock.

Nikki? Nerd? Restaurant Girl?


Aidan's POV

Sa ngayon, hindi ko maitatanggi sa gwapo kong sarili na napanganga ako,  literal. Si nerd ba to?!

I looked at Ace and Ken. Tulad ko, nganga rin sila. Anong nangyare?

Napatingin naman ako kay Bossing. He's just wearing a weird face. Well definitely that is new. Yun pang isa ang ikinabigla ko.

Hmmm... Ngayon lang nagsayang ng oras si Bossing na isipin ang isang babae. How did I say that? Simple lang. Mukha siyang tanga na nakatitig kay.. ahhh.. What should I call- no. Scratch that. How should I call this beautiful goddess in front of me?

But wait. She is also the girl from the bar, that girl who is holding that very angelic and melodic voice?!


Ace's POV

"Guys, sara sara din ng bibig. Baka tumulo laway. Kahit artista or idol niya kayo nakakaturn off yun kay Nikki." nagbalik na kami sa realidad nung magsalita si Lei sabay hatak ng upuan para kay Nikki. Oo nga naman. Nakakahiya. Nakanganga pala kami. Kasi naman. Talagang nakakanganga.

I can't believe it. Totoo ba ito? Dati panget to ah? I mean. Nerd. Walang sense of fashion. Ni hindi nga siya nakaayos nung una and pangalawang pagkikita namin eh. Ngayon, nakadress pa siya! Wala pang salamin! Grabe.

"Uhm, hi po?" bati sa amin ni Nikki na parang nagtataka sa inaasal namin ngayon. Still, i can't believe it. Anong nangyari sa kanya?

Walang sumagot sa kanya. Oh poor pretty girl. Lahat kami shocked eh. We are expecting a nerd but what came here is a goddess.

"So lend me your ears. I have two announcements. The first one.. Uhhh.. this lady. Siya ang magiging PA niyo at tutor. Hindi porket may PA na kayo ay pahihirapan niyo na siya ha? Make things easier for her too while she makes your work easier. Please treat her nicely Yung pangalawa, mamaya ko na sasabihin after dinner." full authority na sinabi ni Manager M.

Damn it! Paano ba naman namin to mauutusan? Grabe namang ungentleness yun!

"Hoy NERD. Kahit anong gawin mo, sa mukha mo man o pananamit mo, nerd ka pa rin at personal assistant. So, tumayo tayo ka diyan and get me an ice."

Walang hiya talaga tong si Ivan!

Nikki's POV

I scanned the place. Nandito na kasi ako sa loob ng condo unit ng Ginger Band. Kyah! Kinikilig ako! Tinatapakan ko tinapakan nila!

Yung place, super manly! Ang manly manly ng dating. Red and Black ang theme. May bloody red na sofa then black na carpet at glass na center table. Tapos may sobrang laking flat screen tv! Typical rich's house. Tapos yung dining! Ang daming pagkain! Ano kayang meron? Party? Wala namang may birthday na band member ah? Kabisado ko biodata nila.

Hmmm..

*isip isip*

Hala! Baka naman si Lei? Or si Manager M? Nako nama-

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now