Chapter 20 * Lady

4.9K 80 1
                                    

Aidan's POV


Shet na yan. May photoshoot pala mamaya. And worst, nandoon din si Alexriette!

Kalalaki kong tao kinakabahan ako. I guess this what love makes to everyone who's in love.

Fuck this thing called love! At ang pinakamalala roon, siya ang kasama namin sa photoshoot. Hottest model in town plus hottest band in town ang tawag or title ng magazine. Kainis!

*Beep!*

Katext ko nga pala si Kim.

Kaya mo yan! Labas mo tapang mo. Ano ka ba naman. Matagal na kayong wala eh. 2 years ago na yun.

Naexplain na ni Kim sakin. Putek na yan! Ang intindi ko gagamitin ko siya para mag move-on. Kumbaga gigirlfrienin ko siya. Di naman pala. Tutulungan niya lang ako. Tae. Nakakahiya.

Nireplayan ko siya.

Tapos na ba klase mo?

*beep!*

Oo tapos na. Katatapos lang. Pauwi na ko. Bakit?

I replied again.

Pwede ka bang sumama? Sige na please. So that it won't be awkward for me. Nandun naman sila Lei at Nikki eh. Di naman ikaw lang na babae.

*beep!*

Sige na nga. Sabi ko naman tutulungan kita. Boring din naman mag isa dun sa condo. Wait. Bakit ba nandun si Ex mo?

Reply ako.

Eh siya kasama naming sa photoshoot.

*beep!*

Huh? Bakit? Artsita ba siya?

Reply..

Si Alexriette Sy ay isang model.

*beep!*

ANO?! YUNG BABAENG YUN? Oh my! Idol ko pa man din yun pero ganun pala sya?! Aba! Sige tara! Sasama talaga ako!

Napangiti ako. Nagreply ako tapos tumayo na.

I'm on my way. Sunduin kita. Punta ka na sa front gate niyo. Yellow Bugatti Veyron kotse ko.

"Oh, aalis ka?" tanong ni Ace.

"Ah oo. May pupuntahan lang ako."

"May photoshoot diba?" sabi ni Lei.

"Oo nga. Basta saan tayo magkikita kita?"

"Guys! Nikki's safe. She's with Ivan. Nasa Stariangle sila. Puntahan na natin." Sabi ni Ken. Kakatapos lang siguro ng phone call niya.

"Si Nikki at Ivan magkasama? I guess kinakawawa nanaman ni Ivan si Nikki." Sabi ni Ace.

"Kawawa naman si Nikki girl." Sabi ni Lei

"So tara na." Sabi naman ni Ken.

"Sige. Sunod na lang ako. Bye!" lumabas na ko agad.

Pagkarating ko sa Pallinton, may nakalimutan nanaman ako. Sikat nga pala ako.

Maya maya natanaw na ni Kim ang kotse ko. Naglakad na siya papunta dito. Yung totoo. Tomboy ba to? Tignan mo naman suot. Pants tapos t-shirt na Spongebob. Tapos rubber shoes. Tapos bagpack.

*knock knock*

Natauhan ako bigla. Binuksan ko yung pinto.

"Grabe tagal ah. Ano ba ginagawa mo? Tinted pa window mo. Tsk." Umupo na siya sa passenger's seat.

Fangirl to FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon