Chapter 19 * Stariangle.

5.3K 86 1
                                    

Ivan's POV

Kamusta na kaya si Aidan? Tch.

Balitang balita kasi ngayon ang engagement ni Alexriette Sy at Troy Smith. Kung di niyo nalalaman, si Alexriette ay isang model dito sa Pinas. Sikat na sikat yun dito sa Pinas. Ex yun ni babaero. Si Troy, siya ang katapat ni Aidan sa banda. Myembro siya ng Gear Band. May lahing kano.

"Young master. Midterms niyo na po. Eto na po ang mga kailangan niyong reviewhin." sabi nung butler.

"Leave it there and leave."

Pagkalabas ni butler, tumingin muna ako sa phone ko. Bakit kaya wala pa yung mga kumag? 9 na wala pa rin?!

Nauna kasi akong umalis sa unit. Di ko sila hihintayin. Babagal kumilos. Tch. Pati si Nerd. Dapat nandito na yun ah? Scholar yun diba? Kung ipaalis ko kaya scholar nun. Tch.

Teka, bakit ko ba hinahanap yun? Ah. Oo nga pala. Uutusan ko sa cafeteria.

"Pre!" speaking of the devils.

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ko sa kanila ng di tumitingin.

"Bakit, namiss mo na kami?" sabi ni Ace. Binaba ko yung hawak kong papel at sinamaan ng tingin.

"Eto kasing si Aidan inantay pa namin. Tsss. Late na nagising." sabi naman ni Ken.

"Bakit, anong oras ka ba natulog?" tanong ko.

"H-ha? M-maaga!"

"Tch." nauutal pa? Tsss.

"Guys una na ko ha!" palabas na sana si Ken nang pigilan ko.

"Bakit ganyan ayos mo? Bakit ka nakadisguise?"

"Ano.....pasahan nakasi namin ng portfolio. Kailangan kong mag iikot ikot sa university para sa pictures."

"Ang panget mo."

"Edi ano ka pa?" nagsmirk lang ang loko tsaka lumabas ng pinto. Tsk. Babatuhin ko sana ng libro eh.

Nakita ko na ring palabas sina Aidan at Ace.

"Kayo? Saan kayo pupunta?"

"Sa music room. Midterm exams na diba. Kailangan nang gawin yun. Exam yun eh."

"Tsaka bakit, tatakot ka dito?"

"Mga siraulo! Magsilabas na nga kayo. Tch."

Ano ba naman yan. Mga abnormal talaga mga kaibigan ko. Ano naman kaya pwede kong gawin? Busy mga prof. Wala mga kaibigan ko. Nandito ako sa eskwelahan. Nakakabored naman. Di ko pa maintindihan 'tong nirereview. Matalino naman ako. Kaya lang masyado akong maraming iniisip. Kailangan ko ng magtuturo.

Hmmm... Dahil boring.... Alam ko na!

Tinawagan ko si butler. 2 ring pa lang ay sinagot na niya. Mabuti.

"Yes young master?"

"Iexcuse mo si Nikki Han ng section 4COM-1. Ieexcuse mo sa prof. Papuntahin mo sa parking lot ng Ginger Band."

"Pero young master, exam week po ngayon. Di po siya pwedeng magskip ng kl-"

"Wala akong pake. Sabihin mo sasabay siya sa special cases."

"Per-"

"Susundin mo or I'll fire you?"

"Susundin na po."

Inend ko na yung call. Tch.

Nikki's POV

Simula nang ayusin ako ni Lei, di na nerd ang turing sakin dito. Ms. Famous na. Tsk. Ang ganda ko na daw kasi. Di nga ako sanay sa attention eh. Marami nang lalaking nanliligaw. Di ako sanay!

Fangirl to Fianceحيث تعيش القصص. اكتشف الآن