Chapter 29 * Hurt

4.8K 76 1
                                    

Ivan's POV

What the fuck. Ang boring naman dito. Wala naman talaga akong sakit. Tinatamad lang akong pumunta dun sa conference meeting. Ewan ko ba. Eh sa tinatamad ako eh.

Si nerd naiwan dito. Dapat isinama na yun dun eh. Pero.... hmm. On the second thought, mabuti na palang hindi. Tama lang na naiwan siya dito para may mabwisit naman ako.

"I-Ivan. A-ano." speaking of the nerd. Aba! Sinong nagbigay sa kanya ng karapatan para tawagin ako by name?! 

Tinaasan ko siya ng kilay.

"M-maggrogrocery lang ako."

"Oh anong gagawin ko?" sabi ko sa kanya. Eh ano naman ba talaga kasing gagawin ko? Edi maggrocery siya. Wala naman sakin yung pera.

"Sabi ko nga eh. Sinasabi ko lang naman sayo. Baka kasi hanapin mo ko. Wala ka pang kasama. Magisa ka lang." litanya niya. Tinignan ko siya direkta sa mata.

"Nanay ba kita? Nanay ko ng di ko hinahanap. Ikaw pa kaya?"

"Sorry naman ha? Nagaalala lang naman po kasi ako sayo. Magisa ka lang dito. Masama pa pakiramdam mo kamo. Pasensya naman po. Bawal pala ako mag care. Sorry di ako nainform. Don't worry next time kahit naghihingalo ka na diyan di pa rin kita pakikialaman."

Pagkasabi niya niyan, dumeretso na siya sa pinto. Aba! Nagaalala? Care? Those words doesn't even exist in my vocabulary. Hindi totoo yan. Anong pakialam ko sa kanya.

Pumasok na lang ako sa kwarto ko. Kinuha ko yung IPad ko at binuksan ang twitter at instagram account ko.

Ano ba yan. Ang daming drama drama sa wall ko. Oh eto. Nagpost pa ng selfie. Sa instagram naman ang daming DM's. Pag di nareplayan magagalit. Ang dadami nila. Pagtinatamad ako minsan smiley face na lang ang nirereply ko eh. Wag lang nila masabing nangisnob ako.

Nung magsawa na ko ay ibinaba ko na rin ang IPad ko. Bigla naman nagring cellphone ko. Si Manager M pala.

"Oh." sagot ko.

"Nice way of saying hello, Ivan." I feel na sarcastc niyang sinasabi yan.

"Thanks."

"Hay nako. By the way, masama pa ba pakiramdam mo?" tutal nakaalis na naman sila...

"Hindi na. Bakit?"

"Well and good. Namove na bukas yung schedule niyo para sa fashion ramp niyo dito sa Subic. 7pm bukas ang start so sumunod na lang kayo ni Nikki. Hindi kakayanin ni Kim mga trabaho dito."

"Ano? Bakit? Uuwi naman kayo mamaya dito diba?" sila na magsabay kay Nerd. 

"Hindi kami makakauwi ngayon. Maraming meeting pala to. Ang tagal kong nawala kaya nakapila ang pending guestings niyo. Sige na. I have to go. I'll hang up."

Ano ba naman yan. Nakakainis. I don't care kung bukas man yung ramp pero ano? Makakasama ko nanaman yung nerd na yon?

Speaking... ang tagal nun ah? Gutom na ko.

---

"Ayan. Dagdag mo." sabi ko sabay lagay ng kinuha kong Hello Panda sa pushing cart na itinutulak niya.

Oo sumunod ako. Eh sa ang boring sa condo eh. Naka cap at shades naman ako. Gumamit din ako ng konting cosmetics para lagyan ng kunwaring cut ang kilay ko. Syempre para di ako makita. Makikita na lang ako si nerd pa kasama ko? Aba.

Nagulat si Nikki sa pag approach ko sa kanya.

"Ano? Quit starring." Angil ko.

"Ivan?"

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now