Chapter 36 * Cliff Scerlion

4.1K 66 2
                                    

Kim's POV

Grabe lang! Kasama ko pala sila Lei at Nikki dito nakakatuwa naman. Nandito kami ngayon sa cafeteria. And nakakairita lang kasi... ang daming babaeng masasama ang tingin samin. Take note, masasamang tingin. Syempre. All boys section tong napadparan namin eh. Yung mga oh-so-gwapo-daw nilang mga lalaki naririto. Pakialam ko? Kumakain ako ng sandwich.  Ewan ko agad agad din kaming dinismiss kanina. Ngayon daw kasi yung clubs fair.

Lingon sa kanan..

"Grabe Nikki! Kabilang ka pala sa mga exchange students. Wow. It means matalino ka?" sabi ni Tristan. Ang gwapo niyan promise. Gear band eh. Nakakakilig nga na naririto sila pero para bang sanay na ko sa mukha ng mga artista? Pero astig talaga eh. Dito pala sila nag-aaral. Di namin alam ni Nikki yun ah.

"Ahh..." Sabi ni Nikki awkwardly. Paano ka ba naman di awkward sasagot kung ang daming tingin ang naka tusok sayo. Kasabay namin sila kumain. Actually mababait sila. Nakakatuwang kasama kasi maiingay kaya nga lang awkward para samin dahil alam niyo na, Ginger Band kami eh. Rival band to.

Lingon sa kaliwa..

"Hey miss. Model ka ba? Ganda ah." Sabi nung ewan ko ba kung sinong lalaki yun kay Lei.

"Will you please back off?"

"Aba mataray pare. Maganda yan. Mga tipong pahard to get. Miss, wag ka na pahard to get. Bago ka lang dito."

"Damn it. Will you please stop bothering me? Urgh! Parasites!"

"Hoy hoy hoy, lubayan niyo yan." Maotoridad na sabi ni Johann. Bait nito promise. Umalis naman yung mga lalaki kanina na nanggugulo. Eto pinaka nakakausap namin ni Lei sa kanila pero syempre ang awkward kasi rival band nga. Pero naisip ko, sa mga fans lang naman ang away away na yan eh. Kasi by looking now, okay naman ang Gear Band.

"They are so annoying." Sabi ni Lei.

"Ah ganyan talaga yang mga yan." Sabi naman ni Johann. May napansin ako. Si Troy tahimik. Kanina nga ang awkward sobra eh. Kasi alam niyo na. Basta alam niyo na yun. Lagi lang siyang may hawak na earphone sa tenga. Bibihira lang din kung ngumiti pero I have to admit that he's really handsome.

"Ah Johann.." tawag ko.

"Yes? Kim right?"

"Oo, ganyan ba talaga yan?" tanong ko sabay turo dun kay Troy. Nakapikit siya eh so di naman niya malalaman na tinuturo ko siya.

"Yan? Ah oo ganyan yan. Pinakatahimik yan sa grupo namin. Bakit?"

"H-ha? Wala naman." Lumingon ako kay Lei. Si Nikki kasi busy sa pakikipag usap kina Tristan at Bret. Pansin ko nga kanina pa yan kinukulit ng dalawa. Nakakatawa nga eh.

"Lei, bili lang ako ng pagkain pa ha. Gutom pa ko eh." Sabi ko kay Lei.

"Sure thing. Pabili na rin ako, please."

Umalis na ko at pumunta dun sa counter. Grapes juice ang binili ko para sa amin. Naiirita ako sa mga tingin samin sa totoo lang. Bakit daw kasi kami nakakalapit sa Gear band, bakit daw kami kinakausap, bakit daw kami bla bla bla bla. Whatever. Pabalik na ko sa table namin na medyo malayo layo at napakaraming nakapaligid, syempre marami, Gear Band kaya yan. Sikat. Ang medyo kaibahan lang nila sa Ginger band, kahit na ba sikat sila, nakikihalubilo pa rin sila sa mga kaschoolmate nila. Di tulad nila Aidan. Oo nga no, kamusta na kaya yun? 

Bakit mo ba iniisip Kim.

Napailing na lang ako sa naiisip ko. Hay nako bakit ba kas-

M-May natapunan ako ng juice!

Nakayuko lang ako. "S-sorry." Sabi ko. Di siya umimik. Unti unti kong inangat ang mukha ko at...

Fangirl to FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon