Chapter 23 * Visitors

4.8K 76 1
                                    

Ivan's POV

Katatapos lang ng photoshoot namin. 2:30 na ng umaga at may recording pa kami ng 4. Ayos na rin kasi nandito lang din naman sa building yun. Di na kailangan pang umalis. Di na pala sinama sa photoshoot si Alexriette kasi umuwi na kanina. Tch. Napahiya daw kasi siya.

Talagang kahit naging model na si Alexriette, war freak pa rin siya. Pero kahit na naging ganun siya, minahal pa rin siya ni Aidan. Wala eh. Kaya ayoko sa pag-ibig. Lahat naging tatanga tanga.

Ngayon kaya gusto pa rin siya ni Aidan? Pero parang di na kasi eh. Pero parang oo na rin. Nakit ko ba sila pinoproblema? Bahala nga sila.

Di pa ba ko nasanay babaero tong gagong to. Pero naman kasi, kahit play boy o casanova man nilang tawagin, di pumapatol yan sa inosente. Di ba inosente kaibigan ni Nerd? Kaibigan ni Nerd yun eh.

Pero kanina, kaholding hands niya. Take note. Pinayagan niyang hawakan ng kaibigan ni nerd ang kamay niya sa harap ni Alexriette. Humawak rin siya pabalik.

Kwinento ng madaldal na si Lei ang nangyari kanina. Wala naman kaming alam kung bakit bigla bigla na lang na nagalit ng ganun si Alexriette. Ayaw magsalita ng kaibigan ni nerd.

Di naman ako chismoso pero na cucurious ako. Siguro alam ni nerd. Magtatanong ako mamaya.

Wag na nga lang. Ang bakla pakinggan. Mukha akong chismoso.

"So guys, ipapakilala ko na sa inyo si Brie ha? Ang cute ng batang yun. Nahiya naman ako sa ginawa ng malanding babaeng yun kay Brie kaya sabi ko ipapakilala ko na lang siya sa inyo." Sabi ni Lei. As if I freaking care.

Nagtuloy lang ako sa pagbabasa ng lyrics. May recording kami mamaya kaya kesa sayangin ko ang oras ko sa kanila, eto na lang ang gagawin ko. Minememorize ko na lang.

"Kawawa naman siya." Sabi ni nerd. I bet nakapout yan. Ang hilig eh akala mo ikinaganda niya ang paghahaba ng nguso.

"Oo nga. Teka.. Brie? Yung sikat na nagiisang babae ng Boyce High?" tanong ni Keneho.

"Tangna, alam mo yun? Naks! May alam ka pala bro? Congrats naman!" sarkastikong sabi ni Ace. Binaba ko yung binabasa ko. Nakita kong binatukan ni Keneho yung kapatid niya.

"Aray!"

"Oh bakit? Wag mo kong itulad sayo. Palibhasa chismoso ka eh."

"Pero wala pa ring tatalo sa kachismosohan nitong si Aidan. Playboy eh." Sabi ni Ace. Tawa naman sila ng tawa. Pati na rin yung kaibigan ni nerd.

"Tawa ka diyan?" panunungit ni Aidan dun sa kaibigan ni nerd.

"Bawal na ba ngayon tumawa?" sabi nung babae.

"Oo hangga't di kita binibigyan ng permiso." Sabi ni Aidan

"Aba aba, bakit? Boyfriend kita? Makapagbawal ah?" sabi nung kaibigan ni nerd.

"Bakit? Boyfriend lang ba pwedeng mag bawal?"

"Hindi. Tatay rin."

"Oh, tatay rin pala eh."

"Bakit, tatay ba kita? Di naman diba?"

"Oo nga. Di naman. As if naman no. Mas gurang ka pa kaya sakin." Tinuloy ko na lang ang pagbabasa ko. Binabawi ko na na sinabi kong sila na yata.

"Aba! Aba! Hey I'm only twenty and you're twenty one!"

"Let me correct you. My age is twenty one but my very handsome face looks like 18."

"Hah! Wish more Aidan!"

"Ikaw kasi twenty ka nga mukha ka namang 25."

"Ang kapal mo naman pre! Bangasan kaya kita sa mukha, tignan natin kung masabi mong gwapo ka pa."

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now