Chapter 56 * What If's

3.9K 51 2
                                    

Nikki's POV

Nandito kami ngayon ni Kim sa tent ko. Inaayusan na kami. Shooting day one na namin. At dahil nakakagagong storya ko 'to, first scene ay ang concert. Ewan ko ba kung bakit ko tinanggap to. Kung alam ko lang. Nako.

"Nikki, namiss ko yang nerd look mo!" I just rolled my yes sa sinabi ni Kim. Oo na pala. Nerd ako dati. Mas masarap yata yung ganito eh. Yung makikita mong tanggap ka ng tao kahit na ba panget ka.

"And I also miss that boyish look of yours." Mapang-asar na ngiti ko naman sa kanya.

"And I missed how simple our lives before." Napabuntong hininga ako ng malalim sa sinabi niya. Totoo yun. Namiss ko yung buhay namin dati. Yun bang makita lang namin ang Ginger Band sa TV masaya na kami. I missed those times when we were once a fangirl back then.

"Nikki, ano kaya kung di mo tinanggap yung pagiging PA noon? Sa'yo walang pagbabago dahil kayo pa rin ni Ivan. Arranged marriage kayo eh. Pero ako? Siguro ay hindi rin ako magtratrabaho sa kanila. Siguro ay ngayon, wala ako sa pwestong ito. Siguro ay hindi ako nasaktan dahil sa pagmamahal na iyan-"

"At siguro, wala kang dalawang nag gwagwapuhang anak ngayon na labis kang mahal at inaalagaan. Siguro ay hindi mo mahahanap ang tunay na magulang mo. Siguro ay wala kang matatalik na kaibigan na nag ngangalang Ken, Ace at Lei. Siguro ay hindi ka ngayon ganyan katatag at katapang. Right Kim? Why? Did you regret the day that they entered our lives?" Tinignan ko siyang mabuti. Hindi ko mahanap ang mata niya dahil alam ko, hindi niya alam ang isasagot sa tanong ko. Oo namimiss ko kung paano ako dati pero ni isa sa mga iyon wala akong pinagsisihan. Dahil hindi ako magiging si Nikki ngayon kung hindi ako naging si Nikki noon.

"Ewan ko Nikki. Ang sakit lang kasi eh."

"Hindi mo pa ba siya napapatawad? Akala ko nalet go mo na ang past?"

"Wala kaming maayos na closure. Alam mo yan Nikki."

"That is because you never gave him the chance to explain. You just concluded. Sa totoo lang Kim, hindi nga siya dapat humingi ng sorry sa'yo eh. Wala siyang kasalanan. If only you gave him chance to explain. Ikaw rin naman walang kasalanan eh. Pero nang lumaon na ang panahon, ikaw na ang nagkaroon ng kasalanan. Hindi ikaw yung binigyan ng takot ni Aidan. Siya ang binigyan mo ng takot." Di ko na kasi kaya eh. Ako yung nasasaktan para sa kanilang dalawa. Yung pwede namang buo pamilya nila. Yung pwede namang masaya sila parehas. Totoo yun. Nakikita ko ang takot sa mga mata ni Aidan. Na baka ilayo sa kanya ang mga anak niya pag nalaman na ni Kim na alam na niya. At takot na baka hindi siya pakinggan ni Kim.

"Ma'am, take one na daw po tayo sabi ni direk." Sinenyasan ko lang yung staff na lalabas na kami. Pagkalabas niya, tumingin ako muli kay Kim.

"N-Nikki, I-I don't get you. Bakit ka biglang ganyan sakin? Alam mo naman mga pinagdadaanan at pinagdaanan ko di ba? How come na sasabihin mo sakin ang mga yan? Niloko niya ko! Siya ang dahilan kung bakit walang ama ang mga anak ko! Niloko niya ko Nikki! Nilo-"

"No, Kim. No. Hindi ka niya niloko. Tunay na tunay ang pagmamahal niya sayo. Yun na nga eh. Alam ko mga pinagdaanan mo at naiinis ako dahil lahat ng iyon, para sa wala!"

"W-what do you mean?" litong lito niyang tanong sa akin. I saw a teardrop escaped from her eyes.

"Wala siyang kasalanan Kim. Hindi ko na matagalan na ganyan ang sitwasyon niyo. Ask him. Let him explain his side. Be brave to know what truly happened that night. Kasi kung ako lang nasa sitwasyon mo? I will not run from that scene. I'll confront the both of them or at least finish what they are talking about. Hear him Kim. Please. Listen to his side. Give him the chance he really deserved. May hindi ka pa alam Kim. Trust me. That's why I'm doing this." with that, lumabas na ko ng tent room.

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now