Chapter 26 * His Side

4.4K 76 2
                                    

Nikki's POV

Nandito kami ngayon sa unit nila Ivan kasi nakalock yung kabilang pinto. Wala naman kaming susi para mapasok namin yon. Kasi naman, dapat sabay sabay kaming uuwi kaya si Lei na lang ang nagdala ng susi. Eh mukha namang gustong magsolo ni Lei. Siguro it's because of what happened a while ago. Kaya di na kami nagpumilit ni Kim.

"Dito muna kami matulog pwede?" sabi ko. Baka kasi gustong mapag isa ni Lei. Yun ang napag usapan namin ni Kim.

"At bakit?" sabi ni Ivan. Kahit kelan talaga napakasungit nito. Pinaglihi ba ito sa sama ng loob?

"S-sige na. Kaming dalawa lang naman ni Kim. K-kasi ano... N-nawala susi namin!" pagdadahilan ko.

"Edi si Lei." simpleng sagot niya. Naghahapunan kami ngayon at mukha siyang padre de pamilya na masungit at walang karea-reaksyon habang nagsasalu-salo ang buong mag anak.

"U-umuwi siya sa kanila." sabi ni Kim.

"Okay lang sakin." sabi ni Aidan.

"Why not. Use my room. Makikitulog na lang ako kay Ace." sabi ni Ken.

"Oo nga. Pwede naman." cold na sabi ni Ace. Di naman namin siya masisisi na wala siya ngayon sa mood. We just pretended na wala kaming alam.

"Bakit ganyan ka ngayon Ace?" tanong ni Ivan. Kita mo 'to, kunware pang walang paki alam pero ang totoo caring naman talaga siya.

"Concern siya!" pang iinis ni Aidan.

"Gago. Nagtatanong lang. Oy Nerd. Kunin mo nga yung tubig." Utos 101. Nasa tapat naman niya yung pitcher.

"Ivan naman. Nasa tapat mo lang." sabi ni Ken.

"O-Okay lang." sabi ko saka naglagay na ng tubig. Napailing na lang si Ken.

--

"Bakit ka mabait?"

"Huh?"

Naghuhugas na ako ngayon ng pinggan. Kakatapos lang namin kumain at inaayos na ni Kim yung tutulugan namin. Si Ken nakasandal lang sa lababo. Kinekwentuhan ako.

"Ikaw. Bakit kahit mali ang trato sayo ni Ivan okay lang sayo?"

"Ah yun ba?" napangiti ako. Napatingin ako kay Ken. Nakatingin lang siya sakin at nagaantay ng sagot.

"Di ka ba naiinis sa kanya? Di ka ba nagagalit?" tanong niya pa.

"Alam mo Ken, kung lahat na lang ng tao maiinis at magagalit sa kanya, lahat na lang lalayo sa kanya. Sino na lang masasandalan niya?" sabi ko.

"Ikaw, bakit kahit ganun rin niya kayo barahin, inisin, tratuhin, buo pa rin kayo?"dagdag ko pa.

"Ken, I believe that everything happens for a reason. If a person is like that, the more you should show kindness kasi ibig sabihin, wala siya nun. How can you give something that you don't have?"

"Kaya crush kita eh. Napakamaintindihin mo." Okay, bigla bigla siyang babanat ng ganyan. Pwede bang sa susunod bigyan niya ko ng warning? Kinikilig ako eh.

"Nako tigilan mo yan Ken." sabi ko.

"Crush kita at totoo yun. This is my very first na nagkacrush ako sa isang fan namin kaya I'm proud na ikaw yun. Seryoso ako, Nikki."----sabay alis niya sa kusina. Harusmiyo! Kinilig ako! Shet naman oh! So seryoso nga siya? First crush? Member pa ng Ginger band?! 

After kong pakalmahinang sarili ko ay lumabas na ko ng kusina. I pretended na wala akong nalamang rebelasyon sa kusina. Nakita kong nanonood si Aidan habang may katabi siyang gitara. 

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now