Chapter 30 * Her Little Secret

4.1K 76 2
                                    

Nikki's POV

"Will you please shut up? I'm eating can't you see? You're bothering me!" W-what? Napatunganga ako sa kanya. Did I just hear him right?

Hindi ako makapaniwala. Sinigawan niya ko. Kahit pa gulat ako, nag patuloy siya sa pagkain.

Maraming beses na niya kong sinigawan at sanay na sanay na ko dun. Pero bakit ngayon, anong nangyare? Bakit nasasaktan ako? Masama ba yung ginawa ko? Is it bad that I cared for him? Nag care ako sa kanya di dahil gusto ko siya kundi dahil fan niya ako. Ang sakit. Sa totoo lang sa ngayon na kami lang dalawa pinagdarasal ko na sana naman kahit konti ay gumanda naman ang pakikitungo niya sakin.

"Ganyan ka ba talaga? Alam mo bang gustong gusto kita? Fan mo ko eh. Kahit ganito ang turing mo sakin okay lang. Kasi idol kita eh. Kasi loyal ako sayo. Ganun naman ang fan diba? Susuportahan ang idol niya kahit anong mangyari? Oo. Ang sama talaga ng ugali mo. Aware ka naman sana dun no? Sabi nga nila bakit kahit ginaganito mo ko, okay lang sakin. Bakit? Kasi sabi ko sa sarili ko, kung lahat na lang ng tao huhusgahan ka sa pinapakita mo sa kanila, edi wala nang magmamahal sayo. Sana wag mo naman itulak lahat. Ivan napupuno na rin ako minsan. Kahit ginaganito mo ko, kahit tinatanggap ko mga panlalait mo, tao pa rin ako, nasasaktan."

Di ko na napigilan. Tumulo na yung luha sa mata ko. I wiped it. I don't want to show anyone my sign of weakness. I believe that tears are sign of weakness.

"Ako na nga lang tong nagaalala sayo ganito ka pa? Narinig mo ba yung rumors? Girlfriend. Oo natuwa ako dun pero Ivan, kitang kita mukha ko dun. Alam mo naman siguro nangyayari sa mga nalilink sayo diba? Binabash. Pag sinabi mong PA niyo ko, tingin niyo ba maniniwala sila? Yung angle ng photo oh. Sorry naman ha? Sorry kung masyado akong worried. Sana you use your words wisely. Kasi kung hindi ka aware, nakakasakit ka na."

I stood up and headed towards the door. I can't see anymore what's in front of me.  Nung makarating na ko sa pinto, bigla kong naalala. Yung pouch ko naiwan ko.

Napaupo ako sa paanan ng pinto. Niyakap ko ang tuhod ko.

Naiyak ako lalo. Mga isa't kalahating oras na yata akong umiiyak. Ayokong umiiyak eh! Nakakainis!

Biglang nagring phone ko.

Ken Calling...

Si Ken..

Sasagutin ko ba? Pag sinagot ko to, malalaman niyang umiiyak ako, mag-aalala nanaman yun. I ended the call.

Argh! Nakakainis na. Mas lalo akong naiyak at nafrustrate. Bumaba na lang ako at dumeretso palabas. Kaya lang bigla akong hinarang ng guard. Yumuko ako para di makita ang mata ko.

"Ah ma'am saan po punta niyo? 12:30 na po lalabas pa po kayo?"

"A-ah ano po kasi.." di ko alam sasabihin ko. Saan nga ba?

"Ah sige ma'am, paki lagay na lang po dito sa logbook kung saan po kayo pupunta para pag may naghanap po sa inyo may sasabihin po kami."

"S-sige po."

Lumapit na ko doon sa information table. I wrote my name sa logbook at yung time ng out. Ano bang ilalagay ko?

Ah alam ko na.

Sinulat ko na dun at pinirmahan ko na. Lumabas na ko. Saan naman ako pupunta? Kung dun sa sinabi ko, it's too far. I checked my pocket. May pera naman ako at nandito din phone ko.

I started walking. Malayo layo na ko when suddenly, umulan ng malakas. Ano ba naman! Ganito na ba ko kamalas? Naiyak nanaman ako. Ano ba! Nakikisabay naman ang ulan! Ano ba to ha?

Tulala ako. Nakakainis ang ganitong pakiramdam. I feel hopeless and degraded sa pagkakasigaw niya. Ang sakit. Sige pa rin ako sa paglalakad ng may tumigil na taxi sa harapan ko. Napatingin ako dun. Binaba niya yung bintana niya.

"Iha? Umuulan oh. Sumakay ka na. Baka magkasakit ka at mapano ka sa daan."

Sasakay ba ko?

---

"Ang laki naman po pala ng bahay niyo ma'am. Bakit po kayo naglalakad sa daan ng gabing gabi na at malayo pa?" sabi ni manong pagkababa ko ng taxi.

"Sorry po at nabasa pa po sasakyan niyo. Salamat po sa paghatid." pumasok na ko sa mansyon. Ayoko nang sagutin ang tanong niya at magexplain pa. Napapagod na kong paulit ulit ineexplain ang sarili ko.

I smiled bitterly. It's good to be back. Bumalik lahat ng alaala.

Pumunta ako sa likod ng bahay. There I have my secret passage.

There's a palm scanner at the secret door. I placed my right hand and it opened. Pumasok na ko at sumara naman yun ulit.

Kailangan ko munang magtuyo ng damit. I went to my room. I missed this house. After 3 years of not coming back, here I am standing inside my room. I went to my dresser and changed my clothes. Tumingin ako s paligid. Wala pa ring nagbago. I miss my father so much.

(A/N: May napansin ba kayo? Na ang tino ni Nikki ngayon? I mean di siya maloko? It's because I believe in a qoute saying, "When a person laughs so much even in stupid and simple things, that person is in deep sadness and pain." Kaya ganyan muna mood niya.)

I went to my closet and opened the drawer. I get the picture na tinatago tago ko sa kailaliman, my mom's picture. I put it in my wallet and opened the door.

"Y-young lady? I-Is it you?" hinatak ko papasok si Kuya Ne.

"Kuya Ne wag po kayong maingay." tumingin ako sa labas baka may nakakita kasi.

"B-bumalik ka na ba young lady? Dapat malaman po ito ng Papa niyo. Ang tagal po niya kayong hinintay bumalik. Pati na p-"

"Hindi po ako babalik Kuya Ne, nagpalit lang ako ng damit. Aalis na po ako."

Si Kuya Ne, driver ng pamilya namin simula noon pa. Naiiyak ako. Namiss ko sila pero ayokong ipakita sa kanila yun. Kapatid siya ni mayordoma. Hinatid niya ko sa nilabasan ko kanina.

"Young lady magiingat ka."

"Opo Kuya Ne, paki delete na lang po yung cctv videos. Wala po sanang makakaalam na umuwi ako please."

"Ayoko man, sige po young lady. Mag iingat ka at madaling araw na."

"Opo."

----

"Mommy, namiss kita." I said as I cried. Nakahiga ako sa damo dito sa libingan niya.

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now