Chapter 62 * Waking

3.8K 48 0
                                    

Nikki's POV

"Lei, tama na please?"

"Ha-ha-ha, ano ba kayo? Pahaaaaartyyy tayooooo. Nagkabalikan na si Kim at-at sino nga ba yun? Ahh! Si Aijan. He-he. Tsaka si Nikki at yung machungets na shi Iban! Tama! Party!"

Nailing na lang ako sa inaasta ni Lei. Kanina pa siya dito't naglalasing. Nabalitaan na kasi namin. Nagbreak na pala sila ni Ace. I don't know why or when. Pero hindi nagsasalita si Lei.

"Lei tama na." sabi ni Kim.

"Ano ba! Just drink! Pwede..pabayaan niyo muna ako? Ang..ang sakit kasi eh." Ayan naiyak nanaman. Ang gulo gulo.

"Nikki pa'no ba to?" sabi sakin ni Kim.

"Ewan ko Kim. Ayaw naman magkwento."

"Kausapin kaya natin si Ace? Ayoko namang manghimasok pero kasi.."

"Kim, alamin muna natin kung anong nangyare okay? Saksi tayo noon kung paano nagbati yang dalawang yan. I'm sure there is a problem."

"I know Nikki. That's why I want to talk to Ace."

"Hayaan muna natin sila Ivan ang kumausap sa kanya."

"Ang keKJ niyo naman oh! Kuya! One vodka paaaa!" sabi ni Lei sa bartender. Naiiling na lang kami. Hindi ko namalayan na tumutunog na pala ang phone ko. May text si Ivan.

Ivan:

Nasan ka?

Nagreply agad ako.

Ako:

Bar. Si Lei naglalasing eh. Ikaw asan ka?

Agad naman din siyang nagreply.

Ivan:

Iyang mga lalaki diyan ah. Lumayo layo ka kung ayaw mong isa isa ko silang ipahalik sa kamao ko. Nasa condo kami. Sinapak na ni Ken si Ace.

Nangiti naman ako. Seloso nga pala fiance ko.

Ako:

Opo. Grabe naman. We're on our way there. Is it okay if kasama ko si Lei?

Ivan:

I don't think that's a good idea. Maybe iuwi niyo na lang muna yan.

At ayun nga ang sabi ko kay Kim. Umagree naman siya kasi gusto na talaga niyang makausap si Ace.

"Lei that's enough." Sabi ko na mas may authority sa boses.

"Bakit ba ha! Porket kayo okay sa mga lovelife niyo ayaw niyo na kong painumin?! Grabe kayo!" sinigawan na niya ko. Nagulat na lang ako nang bitbitin na siya ni Kim palabas. Or more on, kinaladkad?

"Huy Kim! Baka makita tayo ng media!"

"Don't touch me!" sigaw ni Lei.

"Ano ba Lorilei! Will you please stop that nonsense act?! Oo alam ko nasasaktan ka pero stop that! Hindi pa katapusan ng mundo!"

"Nasasabi mo lang yan kasi wala ka sa sitwasyon ko Kim! Palit kaya tayo no?!"

"Fuck it Lei! Ako nga nalayo kay Aidan! Nagbuntis at pinalaki mag isa ang mga anak ko pero kinaya ko! Not knowing na wala palang kasalanan nun si Aidan! Ano ilulugmok mo sarili mo? Then fine! Magisa ka diyan nang lapitan ka ng kung sino sinong lalaki at bastusin!" tumalikod na si Kim at naglakad sa kotse niya. Kahit kelan talaga ang impatient ng babaeng yun. Nagulat na lang ako ng napaupo na si Lei. Nilapitan ko syempre.

"Lei..."

"Nikki... Ang sakit kasi eh. I gave my heart. But I think he just played with it."

"Tara na Lei. Let's...let's go home."

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now